AABOT sa 60 pulis, kasama ang tatlong police superintendent, sa sisibakin sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa mga sindikatong kriminal.
“Mga 3 superintendent, minimum of 60 police, umalis kayo sa PNP. I am starting the purging,” sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa birthday party ni Sen. Manny Pacquiao sa General Santos City, kamakalawa ng gabi.
“I’m just warning itong mga pulis na kurakot… talagang hihiritan ko kayo, babantayan ko kayo. Kayong mga gangster na nasa pulis gobyerno, medyo may takot ako na ‘pag wala kayo sa gobyerno, iyong baril ninyo, nalaman ninyo, then you start to bed, makitulog ka na sa mga gangster.”
Matatandaan, noong nakalipas na Setyembre ay nag-alok si Pangulong Duterte ng tatlong milyong pabuya sa sino mang makapagtuturo sa Ninja cops o mga pulis na nagre-recycle ng nakompiskang shabu ng Philippine National Police (PNP).
Walang ulat kung may nakatanggap ng ipinangakong reward ni Duterte kaya nabuko ang ilegal na aktibidad ng 60 pulis na kanyang sinibak.
ni ROSE NOVENARIO