Saturday , April 26 2025

Perkins, ‘di kontento sa unang laro sa PBA

NAKAPAGLISTA man ng mga solidong numero, inamin ni Jason Perkins na hindi siya kontento sa unang opisyal na laro niya sa Philippine Basketball Association.

Dinaig ng nagdedepensang kampeon na San Miguel ang Phoenix, 104-96 sa pagbubukas ng ika-43 taon Philippine Basketball Association sa Smart-Araneta Coliseum kamakalawa.

Kumayod si Perkins ng 10 puntos, 9 rebounds, 2 assists at 1 steal sa 21 minutong aksiyon para sa Fuel Masters. Solido ito para sa debut ng isang rookie pero nakulangan pa rin si Perkins.

“It wasn’t good. It wasn’t as good as I would’ve liked to play. But it doesn’t really matter how I played, we ended up losing,” anang ikaapat na pick sa 2017 PBA Rookie Draft.

Sa kabila kasi ng magandang numero, hindi niya naibigay ang lahat dahil nadale siya ng 5 fouls at 3 turnovers — bagay na kailangan niyang matutuhan at iwasan sa patuloy na pag-ani ng karanasan sa propesyonal na liga.

“It was a good learning experience for me. I learned a lot from it. All the players in the PBA, their IQs is a lot higher than it was in college,” dagdag ng dating manlalaro ng La Salle sa UAAP at Cignal sa PBA DLeague.

Nangako siyang sa paglaon ng panahon ay makukuha niya rin ang laro sa PBA at magiging mas matatag na basketbolista.

“I’m gonna play a lot better, I’m gonna work a lot harder. My IQ is gonna be higher next game. I’m gonna study the game a lot more. Hopefully, I’m gonna keep getting better, I’ll keep getting better every game and keep progressing,” pagtatapos niya.

Sunod na sasagupain ni Perkins at ng iba pang Fuel Masters ang KIA Picanto upang subukang masungkit ang kanilang unang panalo sa darating na 22 Disyembre sa Cuneta Astrodome.

John Bryan Ulanday

 

About John Bryan Ulanday

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *