GRADED A ng Cinema Evaluation Board at Rated PG ng MTRCB ang Deadma Walking na nagtatampok kina Joross Gamboa at Edgar Allan de Guzman. Kaya naman ikinatuwa iyon ng producer nitong si Mr. Rex Tiri ng T-Rex Entertainment.
Maging sina Joross at Allan ay na-excite sa mga positibong feedback na natatanggap nila sa pelikula.
Isang lingo simula nang i-release ang trailer nito, naka-6M views kaagad. Ito ang karaniwang nakukuhang dami ng views ng mga tumatabo sa takilya o iyong mga pelikulang pinagbibidahan ng mga naglalakihang artista.
Napag-alaman naming inialok pala kay Dingdong Dantes ang ginagampanang karakter ni Joross (John, isang negosyante na may malalang karamdaman) at sinabi ng una na excited siya para kay Joross nang minsang magkita ang dalawa.
“Nagpapasalamat na lang ako dahil sobrang blessed siya at may mga project na iba na napunta naman sa amin.
“Naambunan kami ng blessing. Pero at least, parang blessing na rin ‘yon galing kay Dingdong na excited siyang panoorin ang pelikula,” sambit ni Joross sa presscon ng light comedy-drama na Palanca awardee.
Bukod kay Dingdong, inialok din ang papel ni John kay John Lloyd Cruz.
Ang Deadma Walking ang pinaka-bonggang lamay ng taon bukod sa isa sa pinakamaraming special participation ng mga naglalakihang artista tulad nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Eugene Domingo, ang premyadong director Joel Lamangan, at marami pang iba.
Ayon sa director nitong si Julius Alfonso, ang Deadma Walking ay ukol sa pagkakaibigan. “This is a story of friendship. Ang main theme nito ay ukol sa friendship. Soulmate. Selfless love.”
Giit pa ng director, “Gusto lang naming magkuwento. Hindi ko akalain na mapipili.
“Aminado akong may pressure sa kung paano makaa-attract ng viewers. Pero kompiyansa kami na panonoorin ito ng publiko.”
Sinasabing may pagkakapareho ang istorya ng Deadma Walking sa Die Beautiful.
Anila, 2014 nila na-conceptualize ang istorya ng Deadma Walking. “Tapos 2015 nang maglabas ng teaser ang ‘Die Beautiful’. Nagkaroon ako ng takot…pero hindi ko pinanood ang ‘Die Beautiful’ dahil ayaw kong ma-compare ko o malimitahan ako sa obrang ito ni Eric (Cabahug, screenplay)
“Pero proud kami na mai-compare ang pelikula naming ‘Deadma Walking’ sa ‘Die Beautiful’.”
Ang Deadma Walking ay isa sa entry sa 2017 Metro Manila Film Festival at mapapanood na sa Dec. 25. Kasama rin dito sina Candy Pangilinan at Dimples Romana.
KRIS, GAGAWA
NG PELIKULA
(matapos mag-reyna
sa social media)
KRIS AQUINO is back! Matapos niyang palakasin at palawakin ang kanyang online at social media platforms, itutuon naman niya ang oras sa paggawa ng pelikula. Iyon ay kung hindi siya magkakaroon ng problema.
Dalawang pelikula ang posibleng gawin ng Queen of All Media next year.
Posibleng gumawa ng isang horror movie si Kris sa iFlix at ang isa naman ay sorpresa pa.
Ani Kris sa interbyu sa kanya ng pep.ph, si Chris Martinez ang magdidirehe ng pelikula.
“When he presented to me, na-excite ako. So I said, ‘Okay, I’ll go for this,’ because it’s something that I wanted to do because of Direk Chris.’”
Anang aktres, hindi iyon isang dark comedy o drama. “But it’s something I’ve actually never done. Definitely by first quarter, may sinu-shooting na.
Noong 2015 Metro Manila Film Festival via All You Need Is Pag-ibig ang huling pelikula ni Kris.
Samantala, nagkita ng personal sina Kris at ang nanalo ng LV Neverfull bag niyang si Michelle Bernal bilang parte ng kayang #ChristmasLoveLoveLove noong Huwebes ng hapon para personal na iabot ang napanalunang bag.
Kasama ni Michelle ang kanyang bunsong anak na kitang-kita ang kasiyahan at ang 21 year old daughter niyang nag-aalaga sa kanya.
Ani Kris nang iabot ang bag, “I hope you it brings you luck. I hope it brings you healing.”
Napansin din at ikinatuwa ni Kris na may buhok na si Michelle.
Ibinigay din ni Kris ang pangako niyang GC para sa biyenan ni Michelle na siyang nag-aalaga at kumukupkop sa kanyang mga anak.
“Tell her thank you for being a very good mother-in-law from me,” anang ina nina Bimby at Joshua.
May ibinigay din si Kris sa 21 year old daughter ni Michelle at sa bunso nito.
“I felt to touched that there were so many people na super bait talaga ang praying for you,” sambit ni Kris na sinagot naman ni Michelle ng, “They are and most of them actually cried when they saw the video. So, thank you so much Kris.”
Naniniwala si Kris na may dahilan kung bakit si Michelle ang napili nila na mabigyan ng bag.
BUMUBUO
NG THE REVENGERS
SQUAD, CERTIFIED
DREAM TEAM
ISANG certified dream team kung ituring ang bumubuo ng The Revengers Squad. Itoý dahil sinasabing sila ang pinakamalalaking entertainment icon ng bansa—Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach gayundin ni Binibining Joyce Bernal.
Ang The Revengers Squad ay mula sa panulat ni Danno Mariquit na regalo ng Star Cinema at Viva Films sa buong pamilya ngayong Pasko.
Umiikot ang istorya ng The Revengers Squad kay Emy (Vice), isang reseller ng make up at basahan. Sa kabila ng pagiging makakalimutin, hindi niya nakaligtaang alagaan at protektahan ang kapatid na si Chino (Daniel) at dahil dito, ay overprotective sa nakababatang kapatid. Isang araw may lumabas na superhero si Rapiddo (Daniel) at nalaman niyang iyon si Chino kaya naman nagdesisyon siyang maging si Gandarra para tulungan at protektahan ang kapatid. Magsisimula ang conflict ng magkapatid na Gandarra at Rapiddo sa pagpasok ng isa pang superhero, si Kweenie (Pia) na magbubulgar ng katotohanan na ikasisira ng kanilang pamilya.
Maraming first sa pelikulang ito tulad ng first time maging superhero ni Vice gayundin ni Daniel. First time rin siyang sasabak sa komedya at big screen MMFF debut naman ni Pia.
Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada, Mc Mwah, Lassy, Wacky Kiray, at Justin James Quilantang.
Mapapanood din ito sa December 25 at isa rin sa entry sa Metro Manila Film Festival.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio