Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalawang jersey ni Kobe Bryant ireretiro ngayon

ITATAAS na ngayon sa bubong ng Staples Center sa Los Angeles California ang dalawang jersey ni Lakers legend Kobe Bryant.

At simula sa araw nito ay magiging imortal at alamat na sa kasaysayan ng Los Angeles Lakers ang kanyang pangalan at mga numero.

At ito nga ang numero 8 at 24 na jersey ni Bryant na ireretiro ng Lakers ngayon sa halftime show ng kanilang laban kontra sa nagdedepensang kampeon na Golden State Warriors.

Isang taon pa lang mula nang magretiro si Bryant sa basketball at ngayon ay ireretiro na agad ang kanyang jerseys na nangangahulugang wala nang maaaring magsuot ng alinman sa 8 o 24 numero sa Lakers habambuhay.

Huling naglaro si Bryant noong 3 Abril 2016 kontra sa Utah Jazz na tinabunan niya ng makasaysayang 60 puntos upang tapusin ang kanyang 20-taong makasaysayang karera.

Pagpasok ni Bryant noong 1996 ay numero 8 ang ginamit niya. Tumagal ito nang 10 taon bago magpalit sa 24 sa natitirang 10 taon ng kanyang karera.

Sa numero 8 ay nagkamal ng 16,866 puntos si Bryant kabilang ang 3 kampeonato habang nagbuslo siya ng 15,868 puntos, dalawang kampeonato at dalawang Finals MVP habang suot ang numero 24.

Sasamahan ni Bryant ang iba pang mga alamat ng Lakers na nairetiro na ang kanilang mga numero tulad nina Wilt Chamberlain, Jerry West, Kareem Adbul Jabbar at Magic Johnson.

(JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …