Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard, nakabalik na; Empoy, pinakamalakas na tinilian (sa Christmas special ng Dos)

MATAGUMPAY ang Christmas special ng ABS-CBN 2 na Just Love The ABS-CBN Christmas Special na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Paskong-Pasko ang mararamdaman sa mga OPM Christmas songs na kinanta ng mga Kapamilya singer.

Punompuno ang Araneta ng fans ng KathNiel, LizQuen, JaDineMayWard, KimXi, JoshLia, MarNigo atbp..

May mga artista na grabe ang sigawan ng fans kapag lumalabas at mayroon ding hindi na sinisigawan.

Nagulat kami dahil dumagundong ang sigaw sa Araneta nang lumabas si Richard Gutierrez. Nakabalik na talaga ang aktor mula nang maging Kapamilya at regular na napapanood sa La Luna Sangre.

Pero bakit ‘yung isang dating sikat na Kapuso actor na lumipat ay hindi pa rin tinilian ng fans?

Lumevel si Joshua sa lakas ng sigawan kina Enrique Gil at James Reid na magkakasabay sa entablado. Ang lakas din ng tilian kina Arjo Atayde, Matteo Guidecilli , Paulo Avelino, at Xian Lim. Halos mawasak naman ang Araneta sa lakas ng tiliaan nang lumabas na sina Jericho Rosales, Daniel Padilla, at Piolo Pascual.

Pero ang pinakamalakas ang sigawan at nakagugulat ay kay Empoy habang kinakanta ang themesong ng Kita Kita. Marahil ay maraming fans ang natutuwa sa kanya. Nakuha niya lahat ang fans ng KathNiel, LizQuen, JaDine atbp..

Marami rin ang bumilib kay Sharon Cuneta dahil pumayag ito na makasama sa production number kahit puwede siyang magsolo bilang isang megastar.

Panoorin ngayong weekend , Dec. 16 at 17 ang Christmas Special sa ABS-CBN 2.

TALBOG
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …