IBINASURA ng Sandiganbayan ang kasong isinampa laban kay Parañaque city treasurer Anton Pulmano.
Idinismis ng Sandiganbayan ang kasong kriminal na isinampa laban kay Pulmano dahil sa umano’y pagbibigay ng tax amnesty na isinasagawa ng pamahalaang lungsod noong 2013.
Ang kasong kriminal laban kay Pulmano ay nagmula sa isang reklamo na isinampa ni Konsehala Maritess de Asis at ng kanyang abogado sa Ombudsman na inakusahan siyang nagbigay ng hindi karapat-dapat na benepisyo sa Chevy Chase Corporation.
Nagresulta ito, kaya nabawasan ang pananagutan ng buwis ng nasabing kompanya, at lampas na sa takdang panahon ng pagbibigay ng amnestiya nang magbayad ng buwis.
Sa 14-pahinang desisyon ng Fourth Division ng anti-graft nitong 27 Nobyembre 2017, sinabing, “the entitlement of Chevy Chase to the tax amnesty program cannot be ascribed to Pulmano” in view of the prosecution’s admission that Chevy Chase “was qualified to avail of the tax benefits under Ordinance 13-08 Series of 2013 and was given a reduced assessment in tax delinquency liabilities amounting to P4,048,624.40.”
Hindi rin pinanagot ng korte si Pulmano sa pagbabayad ng Chevy Chase na lampas sa deadline ng tax amnesty program sa pag-aming mismong siya ang agarang nagpabatid na “dishonor” ng kanilang tseke.
Nakasaad sa dokumento na “that settlement of the check was not covered by the tax amnesty period.”
Ani Pulmano, “Since day 1, I have a firm belief that justice will prevail.”
Ayon sa abogado ni Pulmano na si Mei Go, batay sa records, ang tunay na layunin ng nagrereklamong konsehal ay makabalik sa Chevy Chase at mga opisyal nito, dahil si De Asis ay dating presidente ng korporasyon.
Pero inalis umano dahil sa kanyang maling pamamahala at ‘mishandling’ ng pondo ng korporasyon. “Ang mga ganitong harassment case ay nakapagpapahamak sa isang lingkod bayan,” paghihinanakit ni Pulmano na may mahigit 25 taon sa serbisyo publiko. (JUN DAVID)