Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joross, binraso si Piolo para mag-cameo sa Deadma Walking

BUONG ningning na sinabi ni Edgar Allan Guzman na mas magaling mag-ipit ng itlog si Jorross Gamboa kaysa kanya. Nagdamit babae kasi sila sa filmfest movie nila na Deadma Walking na showing sa Dec. 25.

Walang pahinga ang betlog nila sa shooting dahil nakaipit ito mula 9:00 a.m. to 2:00 a.m. kinabukasan.

May tip naman si Joross sa mga future beki na ‘pag nag-ipit ay sa gitna. Masakit kung mag-iipit na pakaliwa o pakanan.

Samantala, napanood namin ang trailer ng Deadma Walking. Malakas ang laban  nina EA at Joross at posibleng magkalaban pa sila sa Best Actor category ng Metro Manila Film Festival. ‘Yung ginawa na lang nila na pag-ipit, kumanta, at magpakabakla ay mahirap gawin, samantalang ‘yung ginagawa ng ibang actor na kalaban nila ay kaya rin nilang gawin.

Mga 30 malalaking artista ang guests at sumuporta sa pinagbibidahan nina Joross at EA sa pangunguna nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Iza Calzado, Eugene Domingo at iba pa.

May eksena rin na nag-I love you si Gerald.

Ayon sa director ng Deadma Walking na si Julius Alfonso, si Joross  ang love of my life ni Gerald.

Nagtawanan din sina Joross, Edgar, at Dimples Romana sa pagkukuwento na super entertain si Dimples dahil nagkasabay-sabay ang mga guest star. Inilabas na nila ang mga baon nilang pagkain para hindi mainip ang mga ito. Pinakamaagang dumating si Papa P.

Dagdag pa ni Joross, brinaso niya sina Papa P kasama si EA para suportahan sila sa Deadma Walking. Akala nga ng iba ay first directorial job na ito ni Joross dahil aligaga siya sa pag-iimbita na mag-guest sa movie nila.

Si Eugene naman ay nag-guest bilang suporta kay Direk Alfonso dahil magkaibigan sila at first directorial job nito.

Bongga!

TALBOG
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …