Friday , November 22 2024

Wellness center ni Liza, binuksan na; Enrique, sumuporta

KAHANGA-HANGA ang tulad ni Liza Soberano na bagamat isang millennial, back to tradition naman ang binuksang negosyo, ang Hope Hand and Foot Wellness.

Back to tradition dahil langis ang ginagamit nila para i-pamper ang sarili ng mga magtutungo sa kanila. Nasanay din kasi ang batang aktres na gumamit ng langis na inihahalo sa pagkain, sa pangligo, at kung ano-ano pa.

Advocacy din ni Liza ang kalusugan at kabutihan. Kaya isa ito sa rason niya kung bakit isang wellness center ang pinasok niyang negosyo.

“Wellness impacts more than meets the eye. It is all about make us feel better holistically, from head to toe, body to soul,” sambit ni Liza naniniwalang wellness goes beyond beauty.

“Wellness is not just something you do now. It’s forever. You can do it whenever you want, wherever you want and when you start practicing wellness rituals you can bring that with you forever and it could possibly make you feel younger even as you aged,” giit pa ng aktres.

Ani Liza, ang kanyang tiyahin ang nagbigay-inspirasyon sa kanya para pasukin ang wellness industry. Ang tinutukoy niya ay ang kanyang Tita Onie.

Bale nanggagaling pa ng ibang bansa ang oil na gagamitin ng Hope Hand and Foot Wellness. ”But soon I’d like to come up with my own line up of oil. Kaya we’re sourcing locally, because we have the best coconut oil. Coconut oil is very good for the skin. And we’re also looking for the local fragrances like ilang ilang that are endemic to us.

“I also want to help the local farmer. Coconut is something na ginagamit din for curing, and I’m really for that because the Philippines is rich in coconut and so as coconut oil.”

Idinagdag pa ng dalaga na, ”I am a great believer that wellness is essential in making us the best version that we can be. Hope Hand and Foot Wellness is the first manifestation of the HOPE Wellness brand. We want this to be the go-to place for everyone and anyone who want to feel better. Hope is open to people of all ages, genders and walks of life.”

Bukod sa pamilya, mga kaibigan, manager na si Ogie Diaz, sinuportahan din si Liza ng ka-loveteam niyang si Enrique Gil na may dala pang bouquet of flower.

Sa Disyembre 15 magbubukas ang Hope Hand and Foot Wellness at tiniyak ni Liza na magiging hands on siya sa kanyang negosyo. Meaning, madalas siyang naroon para personal na ibigay ang mga pangangailangan ng mga customer.

Ang Hope Hand and Foot Wellness ay matatagpuan sa Creekside Square sa Tomas Morato.

PAULO AVELINO SA PAG- AUDITION
SA ANG LARAWAN: MAGANDA
‘YUNG TRINABAHO MO, PINILI KA
HINDI DAHIL SIKAT KA O ANUMAN

HINDI ikinaila ni Paulo Avelino na nag-audition siya para sa role ni Tony Javier, isang heartthrob at isa sa importanteng role sa Ang Larawan. Ito ay base sa A Portrait of the Artist as a Filipino ni Nick Joaquin na isinalin sa Tagalog at isinulat ang libretto ni Rolando Tinio.

Ani Paulo, ”Nag-audition ako. Maganda kasi ‘yung makakapasok ka sa pelikula dahil trinabaho mo, dahil pinili ka, hindi dahil sikat ka o anuman.”

Iba kasi ang nararandamang katuparan ni Paulo kapag sumasailalim sa audition.

“’Pag nag-a-audition ka, parang nagiging grounded ka, eh. It humbles you. Parang paalala rin sa sarili mo na, ‘Uy, aktor at huwag kang umastang kung sino.’

“Kasi you have to start again. Kapag nagsisimula ka ulit sa baba at parang hindi ka sigurado kung makukuha ka o hindi, parang maraming realization, na dapat hindi ka makampante kasi marami ring magagaling,” anang actor.

Hindi rin itinanggi ni Paulo na nahirapan siya sa kanyang role.

“Nahirapan ako sa singing part. Kasi si Ms. Celeste (Legaspi) masyadong perfectionist. Nakatutok siya sa akin, so kapag may mag-off lang ng kaunti sa key, ulit na naman.

“Pero naiintindihan ko kung sinisita ako. Hindi ako nao-offend. Celeste Legaspi ‘yon at alam niya ang ginagawa niya. May tenga siya for that and siyempre, bilang baguhan, nakikinig ka sa mas nakaaalam.

“Kasi hindi ito ‘yung pagkanta na parang favorite mong kanta puwede mong kantahin o kung saan ka magaling. Ito kasi, theatrical, napakaraming rehearsals, napakaraming trainings,” lahad pa ng aktor.

At bagamat nahirapan, masaya si Paulo na napasama sa Ang Larawan.

“It’s an honor to be here and to work with such big and great names,” giit ni Paulo. ”Bihirang makabuo ng ganitong kalaking cast. It’s an all-star cast. It’s a nice mix and I couldn’t believe na kayang bumuo ng cast for a film,” paliwanag pa ni Paulo.

Ang Larawan ay Graded A ng Cinema Evaluation Board at entry ng Culturtain Musicat Productions sa 2017 Metro Manila Film Festival na mapapanood sa December 25.

Finalist ang Ang Larawan sa Asian Future Prize Award sa 30th Tokyo International Film Festival at Opening Film sa 2017 Cinematografo International Film Festival sa San Francisco.

Bukod kay Paulo, kasama rin dito ang magagaling na mang-aawit, actor, at gumaganap sa teatro na sina Joanna Ampil, Rachel Alejandro, Nonie Buencamino, Menchu Lauchengco-Yulo, Robert Arevalo, Celeste Legaspi, Sandino Martin, Cris Villonco, at Aicelle Santos. With special participation nina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Bernardo Bernardo, Jaime Fabregas, Dulce, Nanette Inventor, Rayver Cruz, Cara Manglapus, Jojit Lorenzo, at Leo Rialp.

VIC, POSITIBO
SA MEANT TO BEH 
(kahit lumihis
sa fantasy-comedy)

“I feel very positive about the project. I’m certain that we have a winner in Meant To Beh.” Ito ang giit ni Vic Sotto sa pelikula nila ni Dawn Zulueta, ang Meant To Beh na handog ng OctoArts, APT, at M-Zet na idinirehe ni Chris Martinez at entry nila sa Metro Manila Film Festival 2017.

Positibo si Vic sa kanilang entry na mapapanood na sa December 25 dahil maraming bago at ngayon lang mapapanood ng viewers. ”Ït’s my maiden silver screen team-up with Dawn, my first movie under the helm of Direk Chris and it’s also my first MMFF entry in recent years which does not border on the fantasy-comedy-action genre. It’s very exciting!”

Oo nga naman dahil 2003 pa  sinimulan ni Vic na gumawa ng mga pelikula para sa MMFF na talaga namang tumabo sa takilya tulad ng Lastikman, Fantastic Man, at ang Enteng Kabisote series.

Bagamat wala ang mga nakasanayan nang napapanood sa pelikula ni Vic, tiwala ang magaling na komedyante na tatangkilikin pa rin ang kanyang bagong handog na pelikula.

“I think ang freshness ng materyales ay isa sa matibay na pag-come-on. Excited akong gumawa ng ganitong klase ng genre. It’s a welcome thing for me: a family movie sans the fantasy and special effects. It’’s a breather. Ito ang perfect movie para sa mga pamilyang Pinoy na manonood sa Kapaskuhan.”

Giit pa ni Vic, ”Nang kino-conceptualize namin itong project na ito, tiniyak naming may bago kaming maibabahagi sa viewers. Hindi ‘yung napanood na nila sa mga MMFF entry ko. Ilang brainstorm ang ginawa namin nina Direk Chris at maligaya ako at proud na nakabuo kami ng ganito. For sure, makare-relate ang viewers sa mga karakter sa istorya.

“Ipakikita namin ang mga conflict na nangyayari sa isang pamilya, tulad ng relasyon ng mag-asawa na nakakaramdan na sila na na-outgrown ang isa’t isa matapos ang matagal nilang pagsasama. Ipakikita rin kung paano naha-handle ng parents ang mga pagsubok at difficulties na hinaharap ng kanilang mga anak, at ‘yung kung paano matutulungan ng mga anak na magkabalikan ang kanilang mga magulang. It’s really a heart-warming story that the public will love!”

Bukod kina Vic at Dawn, kasama rin sa pelikula sina Daniel Matsunaga, Andrea Torres, Sur Ramirez at marami pang iba.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *