Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya ni Nash, pa-America para makapiling ang amang matagal ng nawalay

MAKAHULUGAN ang sagot ni Nash Aguas alyas Calvin ng The Good Son sa tanong kung sino ang pumatay sa amang si Victor Buenavidez (Albert Martinez) at ni SPOI Colmenares (Michael Rivero) sa nakaraang thanksgiving party ng Production 56 artists sa pangunguna nina Congressman Yul Servo at Direk Maryo J. de los Reyes.

Natanong ang batang aktor kung ano-ano pa ang mare-reveal sa TGS dahil araw-araw ay may nabubuksang bagong isyu.

“Actually, marami po kasi ipakikita (Martes) ‘yung pagkamatay ni SPOI Colmenares at kung may mga hinala po kayo, huwag masyadong paghinalaan ‘yung iba kasi malay n’yo kaharap n’yo na pala ‘yung pumatay sa kanila,” makahulugang sabi ng batang aktor.

Mainit kasing pinag-uusapan sa social media si Nash o Calvin ang hinihilang pumatay sa tatay niya at kay Colmenares lalo’t nalamang may sakit siyang Schizophrenia na minana sa nanay niyang si Olivia (Eula Valdez) dala ng depression dahil hindi siya pinapansin ng tatay niya at bukod tanging ang nanay lang niyang si Donya Matilda (Liza Lorena) ang nagpakita ng pagmamahal sa kanya.

Mahusay umarte ang mga taong may ganitong sakit na hindi mo talaga sila pagdududahan dahil ipinararamdam nilang inosente sila sa lahat ng bagay.

Kaya naman tinanong namin ang batang aktor kung siya ang sumaksak kay Colmenares.

“Bakit ninyo po natanong? Dahil sa suot na sapatos? Pareho kami? Abangan ninyo na lang po,”nakangiting sagot sa amin.

Diretsong tanong kung siya rin ang pumatay sa tatay niyang si Victor Buenavidez (Albert)?

“Nag-iiba po ang nangyayari, puwedeng ako, puwedeng sila (ibang cast), basta araw-araw po nababago ang kuwento,” palusot ulit ni Nash.

PAGTATANONG
NI NICO KAY NASH,
NAKABIBILIB

At sa umeereng kuwento ngayon ng The Good Son ay dumagdag pa sa pinaghihinalaan ang driver ng pamilya Buenavidez na si Dado (Jeric Raval) dahil nagbabantay siya sa ospital na roon dinala ang pulis na may hawak ng kaso.

At dahil abogado naman talaga si Nico na hindi lang kumuha ng bar exam dahil mas ginustong mag-artista kaya nakabibilib ang pag-interrogate niya kay Calvin (Nash) bagay na ikinabala nito.

Kaya mas lalong kaabang-abang ang TGS dahil pakiramdam namin ay malapit ng malaman kung sino ang killer.

Hindi naman nagtagal sa party si Nash dahil may meeting siya sa kliyente na gustong mag-franchise ng Muramen noodle house niya na itatayo sa Dumaguete City. May existing branch na ang aktor sa Loyola Street, Recto Manila, at Makati City na parehong malapit sa mga eskuwelahan.

At ngayong Pasko at Bagong Taon ay makakapiling nina Nash at ng kapatid niya ang amang matagal na panahong hindi nila nakakasama kaya lilipad sila patungong America.

“Opo, matagal na namin itong plinano kaya nakatutuwa at looking forward po kaming magkapatid at ng mommy ko na makasama ang daddy ko ngayong Christmas at New Year po,” pahayag pa ng binatilyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …