Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NPA naghahasik ng terorismo

KAMAKAILAN inilinaw ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na na hindi niya sasampahan ng kasong rebelyon ang mga lider at iba pang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa Pangulo inihahanda na ng Palasyo ang isang Executive Order na magdedeklara na terorista ang NPA.

***

Ang mga terorista kasi ay pumapatay, hindi lamang kaguluhan, maraming buhay ang nabubuwis dahil sa malaberdugong aksiyon ng mga miyembro ng NPA

FILIPINAS DELIKADO
SA MGA PEKENG GAMOT

Kamakailan ay nagpalabas ng ulat ang World Health Organization (WHO) na isa 10 gamot ng Filipinas ay peke!

Bukod sa ating bansa ay nagkalat din ang mga pekeng gamot sa mga  low-income at middle-income na bansa. Ang mga nagkalat na pekeng gamot ayon sa WHO, ay para sa mga sakit na Malaria, Cancer, kabilang ang antibiotics at contraceptives.

***

Pinakamalaking porsiyento na pinanggagalingan ng mga pekeng gamot ay buhat sa bansang Africa na may 42 porsiyento, sa Amerika at Europa ay 21 porsiyento, at  8 porsiyento sa Western Pacific. Kaya kailangan mag-ingat ng Department of Health sa ating bansa sa pagpasok ng mga pekeng gamot, dahil im­bes makatulong na gumaling ang gagamit nito, mas mapapadali ang buhay!

***

Dahil mas mababa ang presyo ng mga pekeng gamot, naeenganyo ang ating mga kababayan partikular ang mahihirap na ang bilhin sa pag-aakalang mas makamemenos sila, na lingid sa kanilang kaalaman ay mas mapapadali ang buhay ng kanilang maysakit na mahal sa buhay. Kaya kailangan maging maingat ang lahat!

80,000 PAMILYA
SA PASAY MABIBIGYAN
NG GROCERY BAGS

Aabot sa 80,000 pamilya sa lungsod ng Pasay ang mabibigyan ng grocery bag ng administrasyong Tony Calixto, na regular na ginagawa ng lokal na pamahalaan ng lungsod kada sasapit ang araw ng kapaskuhan.

Kabilang dito ang mga empleyado ng City hall at mga Barangay. Ibang klase ang mga laman, mga bigas at de lata na branded, at ang supplier ang Puregold Philippines, wala akong masabi. Tinatayang P500 kada bag ang halaga ng lamang groceries saan ka pa!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …