Monday , December 23 2024

Drug den operator tiklo sa Kyusi

KASUNOD nang pagbalik sa Philippine National Police (PNP) sa kampanya laban sa ilegal na droga, sinalakay ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang hinihinalang drug den sa lungsod, kahapon ng madaling-araw.

INIHARAP sa media ni QCPD director, Chief Supt. Guillermo Eleazar ang ilegal na droga, dalawang .45 kalibreng baril, at drug paraphernalia na kinompiska ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit sa buy-bust operation sa isang hinihinalang drug den sa Brgy. Culiat, Quezon City, kahapon ng madaling-araw. (ALEX MENDOZA)

Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, dakong 12:45 am nang salakayin sa bisa ng search warrant ang isang bahay sa St. Bernadette St., Villa Lourdes Subd., Brgy. Culiat, ng nabanggit na lungsod, nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si Derek Framil.

Nakuha sa bahay ni Framil ang isang .45 at .38 kalibreng baril, at 30 maliliit na sachet ng shabu, tinatayang P100,000 ang halaga.

Ayon kay Eleazar, si Framil ay kabilang sa drug watchlist ng QCPD.

Dagdag ni Eleazar, nakipag-ugnayan muna sila sa PDEA bago isinagawa ang nasabing pagsalakay. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *