Saturday , November 16 2024

Buhay ng ‘tibak’ sayang — Duterte (Sa ideolohiyang walang patutunguhan)

HINDI kailanman magiging handa ang Filipinas sa kahit sa simpleng uri ng sosyalismo kaya sayang ang mga kabataan na nagbubuwis ng buhay para sa ideolohiyang walang patutunguhan.

“Itong mga bata nagpakamatay for the belief, for the ideals, for the ideology na wala naman talagang ma-contribute. It’s too late in the day to introduce even a simple form of socialism. The Filipinos will never be ready for it,” ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Food Festival sa Clark sa Pampanga kahapon.

Sinabi ng Pangulo, ang mga bagong recruit ng mga rebelde ay ginagamit sa pangingikil para sustentohan ang miyembro ng central committee ng Communist Party of the Philippines (CPP) na nasa The Netherlands, gaya ni founding chairman Jose Ma. Sison.

“Iyan lang naman ang nag-enjoy. Naawa ako rito sa mga pisante pati ‘yung mga estudyante na…dumaan rin ako e. E sabi ko nga nila kaibigan ko ‘yan si Sison. I used to listen to him,” anang Pangulo.

Si Sison ay naging propesor ni Duterte sa Lyceum of the Philippines noong dekada ’60.

Inamin ng Pangulo na napuno na siya sa pakikipag-usap sa mga komunista nang tinambangan ng mga rebeldeng NPA ang mga pulis na may kasamang apat- buwan gulang na sanggol kamakailan.

Nilagdaan kamakalawa ni Duterte ang Proclamation 374 na nagdeklara sa CPP-NPA bilang mga teroristang grupo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *