Friday , May 2 2025

Mass arrest vs CPP-NPA-NDF iniutos ni Digong

ANOMANG araw ay magbibigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad  para sa mass arrest ng mga opisyal at kasapi ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDFP).

“So that I decided to just… So they are now considered ordinary criminals. And so if they ambush you, that’s murder, multiple. If they use an explosive, use of explosive is always a murder, then it’s no bail for everybody. And for those who are out temporarily, you just, maybe now, because any day I will order for their mass arrest,” aniya.

Katuwiran ng Pangulo, ginusto ng mga rebeldeng komunista ang kinasasadlakan nilang sitwasyon ngayon dahil naging mapaghangad sila.

Aminado ang Pangulo na napaaga ang pagpaparaya niya sa mga kahilingan ng mga komunista ngunit ngayon na natunton na niya ang kahihinatnan ng pakikipag-usap sa kanila ay pagbubuo ng coalition government ay hindi siya pumayag.

Anang Pangulo, ang soberenya ng bansa ay pagmamay-ari ng sambayanang Filipino at hindi ng sino man.

“Well, you might be ready now, not before. Ang problema, ako na ang ayaw na rin because I said — Not to win a thing, I concede to your brilliance or whatever, you are the ideologues. But then the simple matter is really a sovereignty is owned by the Filipino people and nobody else,” sabi ng Pangulo.

Tulad ng ordinary criminal, kapag nanlaban ang mga komunista ay may karapatan ang mga awtoridad na patayin sila.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

3-araw Graffiti Mural Arts Festival tagumpay sa Taguig

3-araw ‘Graffiti Mural Arts Festival’ tagumpay sa Taguig

MATAGUMPAY na nairaos ng lungsod ng Taguig ang ikatlong taon ng Meeting of Styles (MOS) …

050125 Hataw Frontpage

Cagayan De Oro Mayor Klarex Uy kinuwestiyon sa P330-M cash advances

HATAW News Team ‘UNDER HOT WATER’ si Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy matapos ireklamo …

Bong Revilla

Bong Revilla nakipamuhay sa Mindanao panalo tiniyak sa makasaysayang baluwarte

SA LOOB ng dalawang linggo bago ang midterm elections ngayong Mayo 2025, muling pinatunayan ni …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong muling sinusuportahan si Bam Aquino, pinuri integridad at track record

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAHAYAG ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang suporta sa …

Senate Senado

“Labor Commission” isinusulong sa senado

IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang pagbuo ng isang national labor commission …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *