Saturday , December 21 2024

Drug menace sa PH tatapusin sa 2018 — Duterte (‘Valium’ ibibigay sa kritiko)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin niya ang problema sa illegal drugs bago matapos ang 2018.

Sinabi ni Duterte, wala siyang pakialam sa mga kritiko ng kanyang drug war dahil ang sinumpaan niyang tungkulin ay bigyan proteksiyon ang sambayanang Filipino at tiyaking ligtas ang Republika.

“Itong sa droga, wala itong katapusan. It’s not — it’s a non-issue to me and I will not answer it anymore except to say that my oath of office demands that I protect the Filipino people and that the Republic of the Philippines is safe. That is the long and short of it,” aniya.

“Wala na akong istorya pa na ang extrajudicial killing. It will happen if it will happen. It cannot happen, if it cannot happen. Wala akong pakialam basta sabi ko sa droga, I hope to finish the problem maybe give me just another year,” dagdag niya.

Ngayon na muli niyang pinayagan ang mga pulis na maglunsad ng operasyon laban sa illegal drugs ay inaanyayahan niya ang iba’t ibang human right groups na nakabase sa ibang bansa na magtungo sa Filipinas at bibigyan niya ng opisina.

“Babalik ang pulis, babalik ‘yan and the Human Rights Commission can come here, international and I will provide them an office. Bigyan ko sila ng building diyan sa — sumama na sila. Basta ako tatapusin ko talaga ‘yan. My request is very simple. It is doable by anybody, with no effort at all,” sabi ng Pangulo.

Bibilhan niya ng pampakalmang gamot ang human rights advocates para maghinay-hinay sa pagbatikos sa kanyang drug war.

“Alam mo all you have to do is I said stop, ‘yung mga like may tama na ngayon. Itong human rights bilihan mo lang ng medisina pangkalma, Valium. Painomin mo lang, patulugin mo lang ‘yang mga y*** na ‘yan,” giit ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *