HUWAG maging balat-sibuyas sa mga pagbatikos ng media.
Ito ang payo ng Palasyo sa mga opisyal ng gobyerno na pinupuna ng mga mamamahayag.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Malacañang kahapon, dapat gayahin ng mga opisyal ng pamahalaan si Pangulong Rodrigo Duterte na kahit inuulan ng kritisismo sa media, ni minsan ay hindi nagsampa ng kasong libel laban sa mamamahayag.
“I think we should heed the example of President Duterte himself ‘no. President Duterte, I’ve said it time and again has never filed any libel case. He knows out of his very long years in public service, that public official should not be onion-skinned,” aniya.
Ani Roque, pinayuhan ng Korte Suprema ang mga naglilingkod sa pamahalaan na huwag maging balat-sibuyas kaya’t sinusunod niya ito.
“A public official, more especially an elected one, should not be onion skinned. Strict personal discipline is expected of an occupant of a public office because a public official is a property of the public. He is looked upon to set the example how public officials should correctly conduct themselves even in the face of extreme provocation. Always he is expected to act and serve with the highest degree of responsibility, integrity, loyalty and efficiency and shall remain accountable for his conduct to the people,” anang obserbasyon ng Solicitor General na kinatigan ng Korte Suprema.
Tiniyak ni Roque, bilang Presidential Adviser on Human Rights, na iimbestigahan ang isyu ng pagkakasangkot ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Joel Egco sa pagbabanta kay Mat Vicencio, kolumnista ng Hataw, at sinabing pangha-harass sa Bandera reporter na si Bella Cariaso.
“I am also Presidential Adviser on Human Rights, I can sit down with you and I can sit down also with Usec. Egco and we will examine and investigate this matter,” dagdag ni Roque.
Nag-ugat ang isyu nang magpa-blotter si Vicencio sa Quezon City Police District (QCPD) kamakailan nang makatanggap ng death threat sa text message makaraan maging kritikal sa PTFMoS na pinamumunuan ni Egco.
(ROSE NOVENARIO)