Saturday , November 16 2024

“Shoot NPA!” order ni Digong legal (Roque nanindigan)

LEGAL ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na barilin ang mga armadong rebeldeng New People’s Army (NPA), ayon sa Palasyo.

Paliwanag ni Presidential spokesman Harry Roque, ipinagbabawal  sa batas ang pagdadala ng ‘di-lisensiyadong armas.

“Of course (he is within bounds), because anyone who bears arms is guilty of rebellion. The crime of rebellion is the crime of taking up arms against the government,” ani Roque kahapon.

“So natural, so when you are bearing arms against the government you are engaged in crime, you are supposed to implement the law and yes, the President has that power to implement the law. It is a domestic, not an international armed conflict, and an arms-bearing rebel is a proper military target,” aniya.

Noong Miyerkoles, sinabi ng Pangulo na dapat barilin agad ng tropa ng pamahalaan ang makikitang armadong rebeldeng komunista, huwag intindihin ang human rights advocates.

Katuwiran ng Pangulo, binabaril din naman ng miyembro ng NPA ang pulis o sundalo.

Ano mang araw ay lalagdaan na ni Pangulong Duterte ang isang executive order na magdedeklara sa CPP-NPA-NDF bilang terrorist organization.

Nauna nang pinirmahan ni Duterte ang Proclamation 360 na nagtuldok sa peace talks ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *