Thursday , December 26 2024

Jen, ‘di ready sa matitinding lovescene nila ni Derek

PAGKATAPOS na unang magtambal sa pelikulang  English Only Please, na naging entry sa 2014 Metro Manila Film Festival, may entry na naman ulit sa MMFF 2017 sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay,  ang All Of You.

Sa presscon ng pelikula, tinanong sina Derek at Jennylyn kung kumusta ang pagbabalik-tambalan nila after three years.

Sabi ni Derek, ”Okey naman po.  Medyo sa umpisa may kaunting ano kami… uncomfortable with each other. Kasi sa ‘English Only Please’, nagpapatawa, nagpapa-cute lang kami roon. But in this one, parang lumevel-up ng sampung beses ‘yung mga eksena na ginagawa namin. Especially sa mga intimate scene namin, medyo we we’re kind of uncomfortable with each other for a while, pero after that, wala na.”

Sinang-ayunan naman ni Jennylyn ang sinabing ito ni Derek. Sabi niya, ”Tama naman po, kasi medyo matagal din kaming hindi nagkita. So, noong nagkita kami ulit, nagkatrabaho kami ulit, this time iba naman ‘yung atake na kailangan namin. Kasi noong una (sa English Only Please!), para lang kaming naglalaro, nagpapatawa, ganyan. Pero ngayon medyo ano na… matitindi ‘yung mga eksena, ang daming lovescenes. So hindi ako ready. Pero in fairness naman kay Derek, napakaingat niya po (sa intimate scenes), at saka napaka-gentleman. Pagdating sa mga ganitong klaseng eksena, talagang pinoprotektahan niya ako.”

Higit na pasabog, pasiklab, at paandar ang hatid ng All Of You ngayong Pasko mula sa Quantum Films, MJM Productions, Globe Studios, at Planet Media Productions, na sasambulat na ang kilig at tuwa sa December 25 mula sa winning troika nina Jen, Derek, at Direk Dan.

WORKING ATTITUDE
NI ERICH,
PINURI NI OGIE:
MINSAN NAUUNA
PA SIYA SA AKIN

NOONG nakausap namin si Ogie Diaz, nilinaw niya na hindi P40,000 copies ang naibenta ng kanyang librongPak! Humor mula nang i-release ito last month, kundi 4,000 copies.

Kami ang nagsulat niyon na itinama niya lang. Ang kopya lang ng librong isinulat niya ay 10,000 copies kaya paano nakabenta ng 40,000 copies?

At least, mataas pa rin ang bilang ng sales ng kanyang libro, to think na isang buwan pa nga lang itong nairi-release sa lahat ng branches ng National Book Store.

At ang maganda kay Papa O. (tawag namin kay Ogie), hindi siya mayabang at sinungaling, na kung tutuusin ay puwede naman niyang sabihin na 40,000 copies na nga ang nabebenta.

Ang isa sa sumuporta sa Pak! Humor ay ang kaibigan ni Ogie na si Dra. Vicky Belo. Bumili ito ng libro niya worth P220,000.

Samantala, dalawa na ang TV show ni Ogie sa ABS-CBN 2. Bukod sa sitcom na Home Sweetie Home,  kasama rin siya sa bagong serye ng nasabing network, ang Blood Sister na pinagbibidahan ni Erich Gonzales. Isa itong action/suspense.

“Si Erich, tatlo ang mukha niya rito, triplets siya. Ako ‘yung nasa mahirap side, kay Erica. Ako ‘yung kumupkop sa kanya at sa anak niya.”

Ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Ogie si Erich sa isang serye.

“Ako kasi tsini-chika ko ‘yung isang artista ‘pag first time kong naka-work para hindi nako-conscious sa akin. Kasi ‘yung iba, ang tingin sa akin, reporter, TV host, taga-media. Kaya ipinapalagay ko muna ‘yung loob namin sa isa’t isa.”

Maraming nagsasabi na pasaway si Erich o may attitude ito. Pero ayon kay Papa O, ”In fairness kay Erich, nahihiya ako sa kanya, kasi minsan nauuna pa siyang dumating sa akin sa set. Napaka-professional niya at saka walang kaere-ere. Okey siyang katrabaho. Hindi siya maldita.”

Sa balita naman na hindi maganda ang treatment ni Erich sa kanyang driver o nagiging driver, ang sabi dito ni Ogie, ”Nakita ko ‘yung approach niya sa driver niya. Naka-uniform ‘yung driver niya. Tinatawag niyang kuya. ‘Kuya pakiligpit! Kuya, alis na tayo!’” 

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *