Tuesday , May 6 2025

De Lima pinaka-‘unchristian’ — Roque

WALA nang mas hihigit pa sa pagiging “unchristian” ni Sen. Leila de Lima, ang ipinatupad ay “selective justice” sa oposisyon habang nagpapakalunod sa kanyang kahinaan bilang isang babae.

Ito ang buwelta ni Presidential Spokesman Harry Roque kay De Lima nang tawagin siyang “unchristian” ng senadora kasunod ng pahayag na hindi kilala nang lubos ni Pope Francis ang detained lawmaker na binigyan ng rosaryo.

“We find nothing more unchristian than performing an action which counters the demeanor of a public official which Senator De Lima did when she arrogantly applied selective justice to the political opposition while enjoying her so-called frailties of a woman,” ani Roque.

Giit ni Roque, hindi na kailangang malaman ang tunay na karakter ni De Lima upang malaman kung ano ang kaya niyang gawin. Kailangan lang aniyang busisiin ang kinasasangkutang drug cases ng senadora batay sa mga dokumento at mga testigong may kredibilidad.

Ang bigat ng mga akusasyon kontra sa senadora, ani Roque, ay taliwas sa ipinakitang kagalang-galang na pagkatao na peke pala noong justice secretary pa ang mambabatas sa administrasyong Aquino.

“The gravity of the accusations hurled against her runs contrary to the incorruptible character she falsely portrayed when she was DoJ Secretary. The Palace statements about the lady senator are information in relation to her position and conduct as a government official and public officer,” giit ni Roque.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *