PINATOTOHANAN ni Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo de Castro na naglabas ng isang resolusyon si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na taliwas sa desisyon ng en banc.
Sa pagpapatuloy nang pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa impeachment complaint laban kay Sereno, sinabi ni De Castro, imbes na Regional Court Administration Office (RCAO)-7 ang inilunsad sa Cebu ay Judiciary Decentralized Office (JDO) ang binuo taliwas sa unang resolusyon.
Bukod dito, lumalabas na nagkaroon ng “misnomer” sa pangyayari dahil sa imbitasyon ni CJ Sereno ay nakasaad na RCAO ang itinayo samantala ang inilunsad ay JDO.
Base sa Administrative Order, sinabi ni De Castro, malinaw na JDO ang binuksan ni Sereno na hindi sakop ng Office of the Court Administration.
Iginiit niyang ito ay labag dahil ang Chief Justice o ang Korte Suprema ay hindi maaaring lumikha ng isang panibagong opisina kung hindi daraan sa Kongreso.
“The chief justice cannot create an office because that is in legislative function but it appears that she created an office in Region 7,” pahayag ni de Castro.
ni JETHRO SINOCRUZ