Saturday , November 16 2024

‘Player’ na INC itinuro ni Digong (Utol ni ex-CJ Cuevas)

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na muntik niyang sipain sa mukha ang pamosong ‘player’ ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Sa kanyang talumpati  sa Anti-Corruption Summit kagabi sa Pasay City, ibinisto ni Pangulong Duterte ang ‘raket’ ng isang Manny Cuevas, na gamitin ang kanyang impluwensiya para makasawsaw sa mga proyekto ng gobyerno.

“Manny Cuevas, wala nang iba,” anang Pangulo nang tanungin ng media kung sino ang Cuevas na tinukoy niyang active player sa korupsiyon sa gobyerno. “You know, here is this guy but I told him, “Ulitin mo ‘yan.” He’s been a player, an active player. He’s so rich. Ang racket niya, ganito. Alam mo, there’s always the GAA, General Appropriations Act, so everything is spelled out there — how you’ll spend it and for how much and what is the amount. Pero pagdating minsan, kukulangin. Equipment or you need something more, some innovative — ngayon, it’s called — noon, invention but innovative ngayon, that’s the catchword,” anang Pangulo.

“So kailangan nila ng mga kits on how to do this and how to do that. Alam mo ‘yung isang opisina, kailangan ng — itong increase sa — a little bit because kailangan nila ‘yung machines. Wala silang makuha so — FDA. Naghanap sila ngayon ng… tingnan mo sa gobyerno, you could have, you know…But here comes the offer of this guy. Naglalaro ito. Cuevas is the name. Naglalaro ito. Alam ninyo ‘yan. Ang ginawa lang niya, maski sino, ma-military o pulis, kailangan mo — maniwala,” aniya.

Napamura ang pangulo sa gigil kay Cuevas nang ikuwento ang estilo nito para huthutan ang gobyerno. “P***** i**, pati sa Malacañan. Sabihin niya, “Akong bahala. Okay, you need how much? Eight million? I’ll give you 10 million.” Kausapin niya doon. And it will be released. Sabihin niya, “Isauli mo sa akin ang dos.”

No outside intervention. Alam mo, p***, talagang nakaupo — nakaupo doon ang p***** i**** sipain ko ‘yung mukha. Ganun — ang gobyerno. O, how do we survive kung gano’n? Si Cuevas, player ‘yan. Sad to say, player ni Nograles ‘yan noong Speaker siya,” aniya.

Ilang beses nang sumabit ang pangalan ni Cuevas sa mga eskandalo gaya noong pag-abot ng P5-M kay noo’y Pangulong Joseph Estrada mula sa Cheng family kapalit nang pagdedeklara na economic zone ang NAIA Terminal 3. Sumingaw rin ang pangalan ni Cuevas bilang namamagitan sa mga senador upang maabsuwelto si dating Chief Justice Corona sa impeachment trial. Si Cuevas ay miyembro ng Iglesia ni Cristo at kapatid ni dating Justice Secretary Serafin Cuevas.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *