Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lovers syota posas arrest

Magsiyotang tirador ng flat screen TV sa hotel arestado

IBANG klaseng modus sa pagnanakaw ang ginagawa ng si-nabing magkasintahan na nahuli  sa isang hotel sa EDSA-Rotonda sa Pasay City nitong Linggo ng gabi.

Nagpanggap na customer  ang dalawa na nag-check-in nitong nakalipas na Sabado sa Sogo Hotel Room 310 at Room 520 na sina Christopher Rae Cabuhat, 32 , at Jane Christine Belicario, 30

Pero target nila sa pag-check-in ang 24-inch flat screen TV ng hotel.

Ayon sa supervisor ng hotel, magkasunod na pumasok ang mga suspek at ipinarada pa ang dalang sasakyan sa parking area.

May dalang maleta na kulay pink ang babae nang pumasok sa kuwarto ng hotel.

Lingid sa kaalaman ng dalawa, nakaalarma na sa Sogo Hotel ang kanilang mga larawan dahil sa serye ng nakawan sa ibang branch ng naturang hotel.

Matapos ang halos isang oras ay lumabas ang babae dala ang maleta at nang pinabuksan ito ay tumambad ang ninakaw na flat screen TV.

May mga nakita ring screw driver at martilyo sa maleta.

Doon na hinuli ang babae ng mga security personnel habang sa kuwarto naabutan si Cabuhat.

Ganito rin ang kanilang modus nang mag-check-in sa isang branch ng naturang hotel noong 23 Nobyembre 2017 sa Harrison, nakuha rito ang isang 32-inch flat screen TV.

Napag-alaman na nauna nang sumalakay ang mga kawatan sa apat pang branch ng hotel sa Cubao, Buendia, Guadalupe at Bacoor kaya natandaan na ang kanilang mga mukha.

Ang modus, isinisilid sa maleta ang mga ninakaw na Flat screen TV.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek na nahaharap sa reklamong Theft.

(JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …