MALAGIM na kamatayan ang kapalaran ng mga kriminal sa bansa.
Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga pagbatikos sa libo-libong namatay dahil sa isinusulong na drug war ng kanyang administrasyon.
“Hindi naman ako nagmamalinis pero ‘yung – puwede ninyo akong atakehin…patayan, totoo naman ‘yun. May namamatay talaga. It is a destiny thing,” aniya sa kanyang talumpati sa Anti-Corruption Summit sa Pasay City kahapon.
Hindi na aniya nakapagtataka na malagim na kamatayan ang kinasapitan ng mga taong sangkot sa mga krimen.
“It’s not surprising that those who go into violent activity will always end up violently,” aniya.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang kritisismo sa kanyang drug war sa loob at labas ng bansa, ibabalik ito ni Duterte sa control ng PNP makaraan alisin sa kanila nang mapaslang ng Caloocan Police ang teenager na si Kian delos Santos.
(ROSE NOVENARIO)