Saturday , November 16 2024
Duterte Roque
Duterte Roque

HR standard ni Digong tumpak — Roque (Sa war on drugs)

SA kabila ng taguri ng mga kritiko bilang “mass murderer” tumpak ang pamantayan sa karapatang pantao ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa katunayam, ayon kay  Presidential Spokesman Harry Roque, pareho sila ng pananaw sa human rights ni Duterte.

Ayon kay Roque, gaya ni Duterte, naniniwala siya na hindi bawal ang paggamit ng dahas basta kailangan itong gawin sa isang sitwasyon.

“Tama naman po ang ginagawa ng Presidente, ‘yan po iyong tinatawag nating tamang human rights standard ‘no dahil hindi naman ipinagbabawal ang paggamit ng dahas ‘no. Kinakailangan lang, mayroong necessity at mayroon pong proportionality. So pagdating po diyan, nagkakaisa po kami ni Presidente…” ani Roque.

Bilang abogado at dating piskal ay alam aniya ng Pangulo na ang pagpatay ng pulis ay dapat nakabatay sa “lawful engagement.”

Giit ni Roque, hindi kinokonsinti ng Pangulo ang pagpatay nang walang dahilan ng mga pulis gaya sa kaso nang pagpatay kay Kian delos Santos na agad niyang ipinakulong ang mga pulis na responsable sa krimen.

“Alam mo maniwala kayo’t hindi, wala kasi kaming ‘pinagkakaiba ni Presidente pagdating sa usaping karapatang pantao. Naniniwala siya na ang pulis naman e reresbakan niya kung tama ang ginagawa ‘no, kung mayroong namatay kinakai-langan, dahil resulta ‘to ng isang lawful engagement, pero may necessity, merong proportionality. At gaya noong naging ehemplo sa kaso ni Kian,  sapat na ba na ang pulis ay pumatay lang nang walang dahilan, e siya na mismo ang mag-o-order na ipakulong ang pulis,” sabi ni Roque.

Matatandaan, ilang beses umalma si Duterte sa pagbatikos ng ilang human rights advocates , partikular kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard, sa anila’y talamak na extrajudicial killings sa pagsusulong ng drug war ng administrasyon.

Katuwiran ng Pangulo, ang pagpapatupad ng batas ay walang pinipi-ling estado sa buhay, mahirap man o mayaman, at kung mas marami ang mga maralitang napaslang sa drug war ay dahil ang mga pobre ang tumatangkilik sa shabu.

 (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *