Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovely Abella

Lovely Abella, sobrang saya sa magandang takbo ng showbiz career

“SOBRANG happy ako sa takbo ng career ko ngayon, hindi ko alam na ganito ang magiging takbo ng career ko sa Siyete. Sa GMA-7 talaga ako belong,” ito ang pahayag ni Lovely Abella nang makapanayam namin ang Kapuso aktres kamakailan.

Ngayon, bukod sa TV ay gumagawa na rin siya ng pelikula. Bale first movie ni Lovely ang Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies na tinatampukan nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Si Lovely ay regular na napapanood sa Bubble Gang at Sunday PINASaya at nakalabas na sa mga programa sa GMA-7. Gaano ka kasaya na naging parte ka ng Bubble Gang? Sa tingin mo, biggest break mo ito?

Sagot ni Lovely, “Masaya ako na mapasama sa bubble Gang lalo na noong anniversary, May po yata ako nag-start doon as guest po nila… tapos ngayon ay kasama na ako noong anniversary nila.

“About sa biggest break, isa na rin ang Bubble Gang po roon pero higit sa lahat ang Sunday Pinasaya talaga, kung saan ako nagsimula, roon kasi nagsimula ang lahat.”

Sinabi rin niya ang role sa pelikulang Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies ”Ako si Abe, isang konduktora ng bus, na ex-girlfriend ni Jordan na ginagampanan ni Arthur Solinap.”

Ipinahayag din ni Lovely ang pagkabilib sa JoWaPao (Jose, Wally, at Paolo) sa husay nila sa komedya. ”Yes, sobrang bilib talaga ako sa kanila kasi kahit wala naman silang ginagawa ay matatawa ka talaga sa kanila. Saka talagang ang JoWaPao ay ibang klase, alam kasi nila kung paano saluhin ang isa’t isa at naririnig ko na nagtutulungan sila.”

Dagdag ni Lovely, “Sobrang gaan nilang katrabaho, nakakatrabaho ko naman na sila sa Sunday Pinasaya, pero hindi ganoon katagal. Kaya iba ang pinagsamahan namin sa movie na ‘to, wala kaming ginawa kundi tumawa. Iyong uuwi kang masaya kahit puyat at pagod ka dahil masarap silang katrabaho.”

Gusto mo bang mas mag-focus sa comedy?

“Hindi po pinag-aaralan ko lahat, kasi bilang artista dapat lahat kaya kong gawin, lalo na ang drama. Kasi pangrap ko talaga ang magka-award ng Best Actress. Totoo iyan hindi joke, kaya ‘pag may mga eksena akong ganoon, binibigyan ko talaga ng puso.”

Enjoy ka ba sa comedy? “Yes, super enjoy ako sa comedy, doon naman ako nakilala sa pagiging sexy comedienne, hahaha! Charot lang, pero gusto ko rin talaga ang drama kapag nabigyan ng pagkakataon.”

Ano ang iyong dream role?

Pahayag ni Lovely, “Ang dream role ko po ay iyong maging kontrabida, maldita, walanghiya… ‘yan ang gusto ko. Kasi very smiling face ako, very friendly at feeling ko kakaibang role kung walanghiya ako. Kasi, parang mahihirapan ako roon sa ganoong role dahil ‘di ko naman talaga ginagawa na mangwalanghiya ng tao, hahaha!”

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …

Ron Angeles

Ron Angeles bukod tanging tahimik kaugnay ng ‘eskandalo’ 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot …

Arron Villaflor

Arron Villaflor nagsalita ukol sa leaked video, nagpakalat kakasuhan

HARD TALKni Pilar Mateo NAGSALITA na sa kanyang Instagram account ang aktor na si Arron Villaflor hinggil sa sinasabing  …

Paulo Avelino Nadine Lustre

Paulo at Nadine magtatambal sa isang malaking proyekto 

MATABILni John Fontanilla AFTER Alden Richards ang Kapamilya actor namang si Paulo Avelino ang makakasama ni Nadine Lustre sa isang malaking …