Saturday , November 16 2024

UN Special Rapporteur suhetohin — Palasyo

DAPAT suhetohin ng United Nations High Commissioner for Human Rights (UNHCHR) ang human rights experts upang gampanan ang kanilang tungkulin nang walang kinikilingan at alinsunod sa umiiral na “code of conduct and ethics.”

Ito ang buwelta ng Palasyo sa  pagkondena ni UNHCHR Spokesperson Rupert Colville sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasampalin si UN Special Rapporteur Agnes Callamard dahil sa pagbatikos sa kanyang drug war.

“We therefore hope that Spokesperson Colville would also take time to look into the manner on how human rights experts ought to conduct their business with and in States concerned, i.e., in an unbiased and transparent manner free of all political machinations in accordance with their code of conduct and ethics,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Naniniwala ang Palasyo na hindi karapat-dapat maging rapporteur o imbestigador ng anti-drug campaign si Callamard dahil nakikipag-alyado siya sa mga grupong kritikal sa administrasyong Duterte.

“Ms. Callamard, we reiterate, is not a competent and impartial rapporteur on our anti-drug campaign.  The way she conducted herself does not befit her office,” ani Roque.

Hindi aniya dapat kalimutan ang aroganteng pagpuslit sa bansa ni Callamard noong nakalipas na Mayo habang inaayos ang mga dokumento ng kanyang opisyal na pagbisita sa Filipinas.

“Lest we forget, she came unannounced to the country in May this year even while the terms of her official visit were still being finalized.  And she did so using an event organized by a group that was extremely critical of the administration and presenting herself as a resource person for that event.  Her arrogance in going through the back-door not only went against protocol, but is deeply insulting,” dagdag niya.)

Giit ni Roque, sana’y maintindihan ni Colville ang makulay na lengguwahe ni Pangulong Duterte dahil nakilala siya sa kanyang estilo pero naninindigan sa pinaniniwalaan.

“We note the concerns of Spokesperson Rupert Colville of the UN High Commissioner for Human Rights, however, he should do well not to judge the colorful language the President is known for, but by what he stands for and the values he holds dear. We need to point that the President’s remarks on Callamard were addressed to a Filipino audience who are used to the Chief Executive’s unorthodox rhetoric,” ani Roque.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *