ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Spokesperson Harry Roque bilang presidential adviser on human rights.
Sinabi ni Roque, ang kanyang bagong papel sa administrasyong Duterte ay gumawa ng mga hakbang upang masiguro na gagampanan ng gobyerno ng Filipinas ang mga obligasyon na bigyan proteksiyon at isulong ang karapatang pantao, lalo na ang karapatang mabuhay.
Naging sentro ng kritisismo sa loob at labas ng bansa ang drug war ng administrasyon na kumitil sa 3,800 katao mula noong Hulyo 2016 sa lehitimong operasyon ng pulisya.
Si Roque ay sumikat bilang human rights lawyer, isa sa mga naging abogado ng mga pamilya ng Maguindanao massacre victims at ni Jennifer Laude.
(ROSE NOVENARIO)