Saturday , November 16 2024

Rider patay, 1 sugatan (Motorsiklo bumangga sa likod ng truck)

PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas makaraang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang truck sa Katipunan Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi umabot nang buhay sa Quirino Memorial Medical Center si James Francis Aragan, 27, habang patuloy na inoobserbahan ang sugatang si Joshua Maria Cinco.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Traffic Enforcement Unit (QCPD-TEU), dakong 1:00 am nang mangyari ang insidente sa Katipunan Avenue.

Lulan ng motorsiklo ang dalawa at sinusundan ang truck (AAB-4325) na minamaneho ni Roel Almecion, nang bumangga sila sa likuran bahagi ng nasabing truck.

Dahil sa bilis ng motorsiklo, tumilapon ang dalawang biktima na nagresulta sa pagkamatay ni Aragan at pagkasugat ni Cinco.

Agad sumuko sa pulisya si Almecion at idiniing hindi niya kasalanan ang nangyari dahil ang motorsiklo ang bumangga sa likurang bahagi ng truck. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *