Saturday , November 16 2024

‘Chedeng’ ng Indonesian diplomat nagliyab sa EDSA

NASUNOG ang isang bagong diplomat vehicle sa bahagi ng EDSA at Buendia, Makati City, nitong Lunes ng gabi

Ayon sa Makati Bureau of Fire Protection,  nasunog ang isang itim na Mercedes Benz, may plakang 1457, isang diplomat vehicle ng Indonesia, dakong 9:30 ng gabi.

HALOS hindi na mapakikinabangan ang diplomatic vehicle ng Indonesian Embassy na isang itim na Mercedes Benz makaraan magliyab habang binabagtas ang kahabaan ng EDSA, Makati City nitong Lunes. (ERIC JAYSON DREW)

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Enforcer Cesar Detera, minamaneho ang diplomat vehicle ng driver ni Major Kes Indra Lesmana, Assistant to the Defense Attache sa Indonesian Embassy dito sa Fi-lipinas, nang umusok ang bandang ilalim ng una-han ng sasakyan

Mabilis na nakalabas ang driver at ang pasahero bago tuluyang nasunog ang nasabing sasakyan.

Sinabi ni Detera, sinubukan nilang apulain ng fire extinguisher ang nasusunog na  kotse ngunit hindi kinaya at agad lumaki ang apoy.

Naapula ang apoy 10:00 ng gabi ng mga bombero.

Iniimbestigahan ng BFP ang posibleng dahilan nang pagliyab ng sasakyan ng diplomat .

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *