Saturday , November 16 2024

Roque purdoy ‘di ubra sa 2019 senatorial race

BUTAS ang bulsa ni Presidential Spokesman Harry Roque kaya hindi ubrang tumakbo sa senatorial race sa 2019 midterm elections.

“Don’t have P500-M needed to run,” text message ni Roque hinggil sa pahayag ni PDP-Laban secretary-general Pantaleon Alvarez, na kasama siya sa senatorial line-up ng partido sa 2019 polls.

Sinabi ni Alvarez, bukod kay Roque, isa rin si Communications Assistant Secretary for Social Media Mocha Uson sa napipisil na isabong sa 2019 senatorial derby ng administration party.

Sakaling makalusot sa 2019 midterm polls, si Uson ang kauna-unahang ‘porn star’ na mambabatas sa kasaysayan ng Filipinas.

Matatandaan, si Ilona Staller, mas kilala bilang Cicciolina, ang Italian porn star na nagsilbi sa isang four-year term sa Italian Parliament.

Inianunsiyo rin ni Alvarez kahapon, kabilang din siya sa bubuo sa senatorial line-up ng administration party, pati sina Davao City Representative Karlo Nograles, Negros Occidental Albee Benitez, Bataan Representative Geraldine Roman, at dating MMDA Chairman Francis Tolentino, at House Majority Leader Rodolfo Fariñas.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *