Saturday , November 16 2024

Duopoly ng Telcos sa PH giba kay Digong

BILANG na ang maliligayang araw ng “duopoly” ng Globe at Smart sa industriya ng telekomunikasyon sa Filipinas.

Nilagdaan kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Bases Conversion and Development Authority (BCDA), at Facebook ang Landing Party Agreement (LPA) na magtatayo ng “ultra high speed information highway” sa layuning magkaroon nang mabilis, abot-kaya at maasahang broadband internet sa buong bansa.

Ang naturang proyekto ang tututok sa implementasyon ng National Broadband Plan, Free Public WiFi program at iba pang ICT projects sa ilalim ng DICT na matatapos sa 2019.

Sa press briefing kahapon sa Shangrila Hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig City, tiniyak ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., hindi na magiging kulelat ang Filipinas sa aspekto ng bilis ng internet sa buong mundo at magkakaroon na rin ng sariling satellite.

Nabatid kay Esperon, ang paglagda sa Landing Party Agreement ay naantala nang isang taon.

Malaki aniya ang maitutulong ng nasabing proyekto sa larangan ng seguridad, food production, transportation, edukasyon, governance, ekonomiya, defense, health at iba pa.

Base sa kasunduan, ang Facebook ang responsable sa “construction, development, operation, maintenance and security” ng submarine cable system na magmumula sa United States, patawid sa Pacific Ocean patungong Luzon hanggang Hong Kong.

Ang DICT ang mag-o-operate at magmamantina ng pasilidad habang ang BCDA ang magtatayo ng Luzon Bypass Infrastructure (LBI) na bubuuin ng dalawang cable landing stations.

Kapalit nang paggamit sa LBI, bibigyan ng Facebook ang Philippine government ng 2 million MBPS, katumbas ng total bandwidth ng Globe at Smart.

Sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong 2016, tiniyak ni Pangulong Duterte na makararanas ang Filipinas nang mabilis na internet sa panahon ng kanyang administrasyon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *