BUKAS na sa mga motorista ang lahat ng bahagi ng EDSA makaraan tanggalin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ASEAN lanes nitong Miyerkoles.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, binuksan na rin nila ang mga kalsadang isinara sa Roxas Boulevard at iba pang lugar dahil sa pagdaraos ng katatapos na Association of Southeast Asian Nations Summit.
“Ang ASEAN lane po sa EDSA is now finally terminated, kasama na rin ‘yung pagbubukas ng Roxas Boulevard and other locked down areas. Back to normal na po tayo,” ani Pialago.
Umaga ay sinimulan ng MMDA personnel na tanggalin ang mga plastic barrier sa EDSA na ginamit para sa VIP lane na dinaanan ng mga delegado sa ASEAN Summit.
Ani Pialago, nakaalis na sa bansa ang mga delegado ng ASEAN at mangilan-ngilang staff na lamang nila ang nasa bansa pa.