Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PH inilako ni Duterte sa ASEAN partners

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga katambal na bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na maglagak ng puhunan sa Filipinas, makipagtulungan sa paglaban sa terorismo, patatagin ang kooperasyon sa komunikasyon, edukasyon, transportasyon, at enerhiya.

Sa bilateral meeting kamakalawa kay Indian Prime Minister Narendra Modi kamakalawa ng gabi, inanyayahan ni Pangulong Duterte ang mga negosyanteng Indian na magtayo ng pagawaan ng murang gamot sa Filipinas.

Pinuri ni Pangulong Duterte ang Indian-made Mahindra cars na ginagamit na pampatrolya ng Philippine National Police (PNP) ang 100 yunit nito.

Sa ASEAN – Japan Summit, hinimok ni Pangulong Duterte ang international community na manawagan sa North Korea na sumunod sa lahat ng obligasyon at kabuluhang resolusyon ng UN Security Council.

Nagpasalamat ang Pangulo sa Japan, Russia at lahat ng ASEAN members sa ayudang ipinagkaloob para magapi ng kanyang administrasyon ang ISIS-inspired Maute terrorist group.

Plano ng Pangulo na magtayo ng trade house sa Moscow upang paglagakan ng mga produktong Filipino.

Ayon kay Russian Prime Minister Dymitry Medvedev, layunin ng kanilang bansa na palawakin ang kooperasyon sa Filipinas sa larangan ng politika, trade and economy, culture, paglaban sa terorismo at aspetong teknikal.

Nilagdaan ng Filipinas at Russia ang Treaty on Mutual Legal Assistance in Criminal Matters at Treaty on Extradition.

Inaasahan din ang paggamit ng nuclear energy sa Filipinas dahil sa pagpirma sa Memorandum of Understanding on Cooperation between the Department of Energy and the State Atomic Energy Corporation “Rosatom” of the Russian Federation.

Hinimok ni Pangulong Duterte si South Korean President Moon Jae-in na imbitahan ang mga negosyante sa kanyang bansa na maglagak ng puhunan sa Filipinas sa larangan ng manufacturing, automotive, food production, processing, agribusiness, electronics at energy. (ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …