Saturday , November 16 2024

Violent dispersal sa anti-ASEAN rally kinondena

KINONDENA ng Asean Civil Society Conference/ASEAN People’s Forum ang marahas na paglansag ng pulisya sa demonstrasyon kontra sa idinaraos na ASEAN Summit sa bansa kahapon.

“We condemn the violent dispersal of a peaceful demonstration by people’s organizations and social movements against the ASEAN Summit and East Asia Summit as represented by Heads of States and governments that have imposed on the peoples of Southeast Asia a development model that has increased social inequalities and violated the human rights of the people,” pahayag ni Dr. Ed Tadem, co-convenor ACSC/APF Philippine National Organizing Committee sa kalatas na ipinadala sa media.

HINDI tumigil ang mga raliyista hangga’t hindi tuluyang nagiging abo ang effigy o imahen ni Donald Trump bilang pagkondena sa kanyang pagbisita sa Filipinas para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit 2017. (LOVELY ANGELES)

Batay sa ulat, ilang dosenang raliyista at anim na pulis ang nasugatan nang maggiitan ang anti-riot police at mga militanteng nagtangkang umabante sa barikada ng mga pulis sa kanto ng Padre Faura St., at Taft Ave., Maynila bilang protesta sa pagdating ni US President Donald Trump sa Filipinas.

Pagkatapos ng gitgitnan nakontento na lamang ang mga militante na idaos ang kanilang programa sa harap ng Supreme Court sa Padre Faura St., at sinunog ang effigy ni Trump. (ROSE NOVENARIO)

TENSIYON SUMIKLAB
SA PROTESTA 10 RALIYISTA,
6 PULIS SUGATAN

SAMPUNG raliyista at anim na pulis ang sugatan nang magkagirian ang dalawang panig nang magtangkang lumapit sa Philippine International Convention Center (PICC) ang libo-libong aktibistang kontra sa pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump sa pagbubukas ika-31 ASEAN Summit, nitong Lunes ng umaga.

Sa kanto pa lamang ng Padre Faura at Taft Avenue, pasado 10:00 am, hinarang ang mga raliyista ng anti-riot police at sila ay nagkagirian.

DINURO ng isang raliyista ang mga pulis matapos ang kanilang tulakan, paluan, batuhan hanggang bombahin sila ng tubig ng mga bombero sa Taft Avenue kanto ng Padre Faura, sa Ermita, Maynila upang hindi makalapit sa Philippine International Convention Center (PICC) na pinagdarausan ng Asean Summit 2017. Kinondena ng mga militante ang pagbisita ni US President Donald Trump sa bansa. (BONG SON)

Binomba ng tubig ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga raliyista na nagpupumilit makalusot.

Sa gitna ng tulakan, sinabing may nagbato ng mga kahoy, bote, at tsinelas sa mga nakaharang na pulis, pero ibinabalik umano ito pabalik ng mga awtoridad.

Sa sampung militanteng nasugatan, dalawa sa kanila ang dinala sa ospital dahil sa matimding hampas sa ulo.

Habang sugatan din ang anim pulis at ang iba pang nakaranas ng pagkahilo sa pagod at init.

Tinatayang 15,000 ang bilang ng mga lumahok sa kilos-protesta, ayon sa mga militante.

Ngunit ayon sa pulisya, nasa 1,000 lang ang lumahok sa protesta.

Nang walang malusutan, ipinasya ng mga militanteng raliyista na ipuwesto ang isang truck na ginamit nilang entablado sa kanilang programa.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde, pinag-aaralan nila ang pagsasampa ng kaso sa mga militante lalo’t may mga nasaktang pulis.

Giit ni Albayalde, papayagan ang mga militante na magprotesta hangga’t gusto nila ngunit hindi sila papayagan na makalapit sa ASEAN summit venue.

Bitbit ng mga nagpoprotesta ang isang 13-talampakang effigy ni Trump, na may apat na kamay, nakapormang ala-Swastika habang ang mukha ay nilagyan ng bigote ni Adolf Hitler.

Ayon kay Renato Reyes ng grupong Bayan, simbolo ito ng pasismo, giyera at plunder.

Sa Filipinas magtatapos ang Asian tour ni Trump na nanggaling na rin sa Japan, South Korea, China, at Vietnam.

Bago dumating sa Filipinas kamakalawa, binanggit niyang handa siyang gumitna sa China at sa claimants sa South China Sea.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *