Saturday , November 16 2024

2 parak sinibak sa sipol (UP student binastos)

TANGGAL sa puwesto ang dalawang pulis ng Quezon City dahil sa pagsipol sa estudyante ng University of the Philippine (UP) nitong 2 Nobyembre sa Katipunan Avenue, ng lungsod.

Sa direktiba ni Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, iniutos niya ang pagsibak kina PO2 Ric Taguilan at PO1 Domingo Cena, mula sa Proj. 4 Police Station 8, at ipinadala sa District Headquarters Support Unit sa Kampo Karingal,

Inilagay sa floating status ang dalawa habang nahaharap sa kasong  kriminal dahil sa paglabag sa City Ordinance 2501 Series of 2016 (Ordinance for a City Gender and Development Code).

Nahaharap din sila sa kasong administratibo na “conduct unbecoming of a police officer.”

Sa imbestigasyon, batay sa salaysay ng biktimang si Carmela, nasa Katipunan Avenue siya nang sipolan ng dalawang pulis na lulan ng isang police mobile car.

Ayon sa biktima, hindi niya nagawang kuhaan ang retrato ang mobile car dahil sa takot.

Nakarating sa kaalaman ng tanggapan ni Eleazar ang insidente nang mag-viral ito sa social media kaya agad niyang pinaimbestigahan.

Sa pamamagitan ng CCTV, natunton ang body number 235 ng QCPD police mobile car kaya, nakilala sina Taguilan at Cena.

Itinanggi ng dalawa na sila ang sakay ng mobile car ngunit lumabas sa dispatch report ng PS 8, ang dalawa ang sakay at naka-duty sa oras nang maganap ang insidente.

Bukod kina Tanguilan at Cena, nahaharap din sa kasong administratibo si SPO1 Ariel Camiling, PS 8 shift patrol supervisor, dahil inililigaw niya ang imbestigasyon makaraan sabihing siya ang sakay ng mobile car at hindi sina Cena at Taguilan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *