Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ogie diaz Wilson Flores Pak! Humor! book

Takot ni Ogie na baka may sumigaw na bakla, tinalakay sa Pak! Humor!

TATLO ang pangarap sa buhay ni Ogie Diaz. Isa rito ay ang makapagsulat ng libro. At ito ay natupad sa paglabas ng kanyang Pak! Humor! na mabibili na ngayon sa lahat ng sangay ng National Bookstore.

Ayon kay Diaz nang makahuntahan namin sa soft launch ng Pak! Humor! courtesy of Wilson Lee Flores ngKamuning Bakery, naka-1,000 copies na agad ang libro hindi pa man pormal na nailulunsad kaya ganoon na lamang ang pasalamat ng magaling na komedyante.

Ang libro ay ukol sa buhay ni Ogie, kung paano niyang hinaharap ang bawat araw na may kasamang humor sa bawat hirit. Siya ang taong laging nagsasabing ”Every gising is a blessing.”

Umpisa pa lang, tiyak na mangingiti ang sinumang magbabasa. Bakit ‘ika nýo? Aba sa pagpapakilala pa lang sa kanya, hindi mo na mapipigil ang maawa. Biruin mo gradweyt pala siya ng Ateneo De Manila. Bigatin ‘di ba? At sinabi pang inalok siya ng ABS-CBN para mamuno sa isang department pero tinanggihan niya iyon  dahil nanalo siya ng jackpot prize sa lotto ng P82-M.

Nakabili ng bahay sa isang subdibisyon sa Greenhills, nakabili ng tatlong sasakyan—Montero, Hummer, Super Grandia. Nagtayo rin ng tatlong restoran—Alabang, Morato, at Marikina. Pero nang magising, panaginip lang pala ang lahat. O ‘di ba naman. Nakatatawa.

Ilang buklat ko pa ng pahinasyon sa libro, nangingiti na naman ako.  

Hindi ka naman mangingiti dahil sa mga kalokohan niya kundi matututo sa mga nakakasalamuha at nangyayari sa kanya sa araw-araw. Kaya malaman talaga ito.

Ayon kay Ogie, pinag-usapan din sa libro ang ukol sa gender niya. ”Pinag-usapan din ang ukol sa gender kasi isa iyon sa kinakabahan ako at di ýun nawala na everytime at aatend ako sa school ng anak ko medyo may takot ako kasi baka biglang may sumigaw ng ‘yan ‘yung bakla sa TV’, ‘yan ‘yung bakla’, ýun ang takot ko talaga.

“Pero surprisingly hindi, ang sigaw nila, ‘si sir paeng, ‘yan ‘yung artista..’

“So in-analyze kong maige, bakit hindi bakla ang tawag sa akin? Andoon ang mga anak ko. Kahit hindi kaklase ng anak ko. Sabi ko, ‘A siguro ako ang una nilang nakilala hindi ang mga anak ko.’

“Nakapag-establish ako ng ganoong image sa TV na bading, so hindi na issue sa kanila. Ang issue sa kanila ‘ay tatay mo pala ‘yan.’

Sinabi pa ni Ogie na tinalakay din niya ang ukol sa sinasabing ang mga anak niya ay baka anak ng boyfriend niya at kung paano niya iyon hinarap.

Mayroon ding tips sa mga gustong mag-artista. ”Actually mahaba ang isinulat ko tungkol doon. Marami akong payo sa kanila para hindi na sila masyado gumastos. ‘Yung iba kasi talagang trying hard. Ang tagal na ng in-invest nilang panahon, emosyon, atensiyon, pera, tapos wala pa ring nangyayari sa kanila. May payo ako sa kanila.

“Yung mga may pimple andyan din kung paano mawawala ‘yun na may humor.”

Natanong si Ogie kung ano ang sikreto niya at epektibo ang kanyang pagpapatawa?

“Actually, hindi naman wino-workshop ang comedy. Kakambal mo nang ipinanganak ‘yan. Isa kang komedyante kung ‘yung kaharap mo eh natatawa sa iyo. Mayroon naman talagang hindi natatawa sa akin wala na akong magagawa, I cannot please everybody.

“Ito yung mga kakornihan, siguro ‘yung iba you can find it corny pero sa akin kasi, iisipin n’yong mabuti kung bakit siya naging punchline.”

Ang dalawa pang pangarap ni Ogie ay ang magkaroon ng pamilya with biological kids. ”Now I have it with 5 kids na natupad na rin at ang huli ay gusto kong magka-apo sa tuhod na kapag natupad na ay puwede ba Niya akong kunin. 

“Siyempre, kahit sinasabing bakla ako, gusto kong maranasan, madaanan lahat,” giit pa ni Ogie.

Sinabi pa ni Ogie na binanggit niya lang si Vice Ganda sa libro pero ang alaga niyang Liza Soberano ay mahaba-haba ang pagtalakay na ginawa niya.

At sa mga nagtatanong kung bakit okey na sila ni Vice, ito lamang ang kanyang kasagutan. ”Napakaikli lang ng buhay para pasamain ang loob mo ‘di ba sa mga nangyayari sa paligid. Mas maganda na maintindihan mo ang mga nangyayari sa paligid para tanggapin mo na nangyayari talaga ‘yan at dahil d’yan maaari kang matuto.

“Ngayon close kami ni Vice, naglalaro kami ng badminton. Wala na kaming koneksiyon pero ibinalik namin ang pagkakaibigan.

Hindi ‘yung professional relationship at very very close kami ngayon. Ang sarap sa damdamin na wala kang kaaway.”

Unang pasabog pa lang ni Ogie ang Pak! Humor! at may kasunod na agad na siyempreý iri-release pa rin ngABS-CBN Publishing.

Sinasabi naman ni Ogie na talagang nagsumikap siya na magkaroon ng pangalan na bagamat high school graduate lamang siya ay malayo na talaga ang narating niya.

Aniya nga, ”lahat ng negatibo gawing challenge.” Na ito ang mababasa naman sa ikalawa niyang libro.

Ang Pak! Humor! ay mabibili sa halagang P185 at may launching ito sa Nov. 11, sa National Book Store Trinoma, 4:00 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …