GUSTONG maduwal ang misis ng isang aktor-politiko sa tuwing dumadalaw sa huli ang karelasyon ng matalik nitong kaibigan.
Hindi na namin tutukuyin kung saang lugar nagtatagpo-tagpo ang mga tauhan sa kuwentong ito.
Feeling young kasi ang karay-karay na karelasyon, na in fairness ay naging ka-close na rin ng esmi ng binibisita nilang ator-politician.
“Paano ba namang hindi ka masusuka roon sa babaeng ‘yon?” bungad na kuwento ng aming source, “’Di ba, nakasanayan na natin sa showbiz na bilang paggalang sa taong nakatatanda sa atin, eh, tinatawag natin siyang kuya o ate? Kaya naman bilang respeto, ate ang tawag naming lahat sa kanya. Pero huwag daw namin siyang maate-ate dahil magkakaedad lang daw kami? Urgggh! Pagkasabi niyang ‘yon, ‘di ko na natiis pumunta sa CR at gusto kong masuka! Juice ko, sa hitsura’t hitsura pa lang, eh, halata mo namang masyonders na siya, ‘no!
Ilusyonadang babae!”
‘Di hamak na mas kilala ang dyowang aktor ng feeling bagets na misis kaya ito na lang ang hulaan n’yo, na itatago na lang namin sa alyas na Salvatore Ipanema.
(Ronnie Carrasco III)