Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jon Jon Gabriel Universities and Colleges Basketball League UCBL PBA

UCBL may naiambag na sa PBA

NASA ikalawang season pa lamang ang Universities and Colleges Basketball League (UCBL) pero may naiambag na ang batang ligang ito sa Philippine Basketball Association (PBA).

Noong nakaraang linggo  sa taunang rookie Draft na ginanap sa Robinson’s Place Manila ay ginulat ng TNT Katropa ang lahat nang piliin nito sa first round si Jon Jon Gabriel.

Bale 11th pick overall si Gabriel na manlalaro ng Colegio de San Lorenzo isa sa mga title contenders sa taong ito.

Kaya pala sa mga nakalipas na apat na laro ay hindi na ginamit ni coach Bonnie Garcia si Gabriel. Kasi pinaghandaan na niya ang posibilidad na mawawala ito sa kampo ng Gritty Griffins.  Hindi kasi malinaw sa rules ng UCBL kung puwede pang maglaro sa kanila ang isang player na napili sa Draft.

Sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) kasi kahit na napili ang player ay puwede pa niyang tapusin ang season.

Hindi ba’t ganoon ang nangyari sa mga tulad nina RJ Jazul at Rey Guevara?

So kahit na malaking kawalan sa kanila  si Gabriel ay pinayagan na siyang lumukso sa professional league.

Kasi naman ay ‘pride’ naman iy0n ng San Lorenzo. Natural na lahat ng mag-aaral ng eskwelang iyon ay nagbubunyi.

Actually hindi si Gabriel ang unang manlalaro ng San Lorenzo na nakaakyat sa PBA.

Si Ryan Arana ang kauna-unahang CDSL player na nakarating sa PBA. Pero sa high school naglaro si Arana.

Nalipat siya sa La Salle kung saan sumikat bilang Green Archer.

So masusundan ni Gabriel ang yapak ni Arana.

Sana ay mapapirma siya ng TNT Katropa at maglaro siya ng maganda at magtagal ang career.

Siyempre, hindi lang ang CDSL ang natuwa dito. Buong UCBL ay nagbunyi.

Mula ngayon ay nasa ilalim na sila ng radar ng PBA!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …