NATARANTA at nagtakbohan ang mga pasahero ng Metro Rail Transit 3 nang magliyab ang isang bagon ng tren habang tumatakbo patungong Kamu-ning GMA Station north bound sa Que-zon City, kahapon ng umaga.
Ngunit walang iniulat na nasaktan sa insiden-teng nangyari dakong 10:00 am habang patu-ngo ang tren sa Kamu-ning GMA Station mula Araneta Station.
Ayon kay PO1 Paul Jason Torres ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 7, agad nilang ipinaalam sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang insidente nang makarating sa kanila ang impormasyon na naglili-yab ang isang bagon ng MRT-3.
Mabilis na nagres-ponde ang mga bombero at inapula ang apoy.
Habang tumatakbo ang tren at nang makita ng operator na nagliliyab ang isang bagon, hindi na niya hinintay na umabot pa sila sa Kamuning GMA Station at agad niyang inihinto ang tren sa tapat ng Nepa Q-Mart, Quezon City.
Pinababa agad ang mga pasahero at pinaglakad patungong Kamuning GMA station habang mabilis na inapula ng train operator ang apoy sa pamamagitan ng fire extinguisher.
Iniimbestigahan ng pamunuan ng MRT-3 kung ano ang dahilan ng pag-aapoy kasabay nang paghingi ng paumahin sa nangyari.
Bunsod ng pangyayari, nilimitahan ang biyahe ng MRT-3 mula Shaw Avenue hanggang Taft Avenue stations lamang.
ni ALMAR DANGUILAN