Tuesday , April 29 2025

Oportunidad sa pagsusulong ng human rights — Roque (Sa bagong posisyon sa Duterte admin)

NANINIWALA si incoming Presidential Spokesman Harry Roque, ang kanyang bagong papel sa administrasyong Duterte ay magiging oportunidad upang tiyakin na sumusunod ang estado sa responsibilidad na itaguyod ang karapatang pantao.

Sinabi ni Roque, sa kabila nang pagpigil sa kanya ng mga kasama-han sa human rights movement na huwag tanggapin ang alok na maging presidential spokesman, mas nanaig ang kanyang desisyon bilang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte

“E bakit hindi ko tatanggapin, ito na nga ang pagkakataon na masigurado na ang obligasyon ng estado kapag hindi naitaguyod ang karapatang mabuhay ay dapat talagang magampanan ‘no, unang-una,” ani Roque sa panayam sa DWIZ kahapon.

Kombinsido si Roque na hindi human rights vio-lator si Pangulong Duterte dahil malinaw na hindi niya iniutos ang mga naganap na patayan kaugnay sa pagsusulong ng drug war.

Hiningi lang aniya ni Pangulong Duterte ang kanyang tulong sa pagtupad ng obligasyon ng estado na imbestigahan, litisin sa hukuman at parusahan ang mga may kasalanan.

Si Roque ay isa sa mga abogado ng mga pamilya ng mga biktima sa Maguindanao massacre. (ROSE NOVENARIO)

Bilang presidential
mouthpiece
LEFTIST NATUWA
SA PAG-UPO NI ROQUE

IKINATUWA ng dating leftist solon at Presidential Commission for the Urban Poor chairman Terry Ridon, ang pag-upo ni Roque bilang presidential mouthpiece, at si-nabing magkakaroon ng malinaw na direksiyon ang komunikasyon ng presidential policy at programa ng administrasyon.

Malaki aniya ang maiaambag ni Roque sa pagpapayo sa Pangulo sa isyu ng human rights at maaari rin maging mukha ng administrasyon sa kampanya kontra korupsiyon.

Puwede rin aniyang magbigay nang mas malawak na konteksto sa umiinit na relasyon ng Filipinas sa China at Russia.

“Secretary Roque can also provide greater context on the country’s warming relations with other states, such as China and Russia,” ani Ridon sa kalatas. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *