IKINATUWA ng dating leftist solon at Presidential Commission for the Urban Poor chairman Terry Ridon, ang pag-upo ni Roque bilang presidential mouthpiece, at si-nabing magkakaroon ng malinaw na direksiyon ang komunikasyon ng presidential policy at programa ng administrasyon.
Malaki aniya ang maiaambag ni Roque sa pagpapayo sa Pangulo sa isyu ng human rights at maaari rin maging mukha ng administrasyon sa kampanya kontra korupsiyon.
Puwede rin aniyang magbigay nang mas malawak na konteksto sa umiinit na relasyon ng Filipinas sa China at Russia.
“Secretary Roque can also provide greater context on the country’s warming relations with other states, such as China and Russia,” ani Ridon sa kalatas. (ROSE NOVENARIO)