KALAHATING buwan hindi puwedeng dalhin ang mga lisensiyadong armas sa labas ng tahanan sa Metro Manila at Region 3, bilang paghihigpit sa seguridad sa pagdaraos ng 31st ASEAN Summit sa susunod na buwan sa bansa.
“The Chief PNP has already approved the suspension of permit to carry firearms at least from November 1 to 15. That’s part of our target hardening measures actually,” ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde sa press briefing sa Palasyo kahapon.
Magsasagawa aniya ng police operations sa “crime-prone areas” gaya ng Parañaque, Quiapo at Baseco sa Maynila, at Maharlika sa Taguig City, bago at habang isinasagawa ang ASEAN Summit.
Magpapatupad aniya ng “lockdown” sa mga lugar na daraanan ng mga delegado, maging sa North Luzon Expressway upang maiwasang makasingit ang masasamang elemento.
Paliwanag ng heneral, nananatili sa full alert status ang PNP mula nang Davao bombing incident noong nakalipas na taon.
Wala aniyang na-monitor na terror threat ang PNP sa panahon ng ASEAN Summit sa bansa.
ni ROSE NOVENARIO