Tuesday , December 24 2024

VP Leni sinopla Preserbasyon ng ‘Marawi ruins’ monumento ng katapangan

AYAW ng mga residente ng Marawi City na panatilihin ang wasak na anyo ng lungsod taliwas sa hirit ni Vice President Leni Robredo na i-preserve ang “ruins” ng siyudad matapos mapalaya mula sa ISIS-inspired Maute terrorist group.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi dapat isantabi ang damdamin ng mga taga-Marawi na tutol na manatili ang wasak na anyo ng kanilang lungsod.

Inihayag kahapon ni Robredo,”We hope [the ruins] will be preserved because they will serve like a monument for the bravery of our soldiers and the residents of Marawi.”

“Tanungin natin ang mga taga-Marawi kung gusto nila. Huwag natin isantabi ang kanilang damdamin at mga suhestion sa bagay na ito. Bukod kay VP marami nang naunang nagmungkahi niyan. Ang tugon ng mga taga Marawi? Ayaw nila,” anang Defense chief.

Giit ni Lorenzana, walang tao na gustong laging makita ang mga bakas ng napakasakit at mapait na karanasan.

“Kung ikaw ang taga-Marawi gusto mo bang palaging nakikita ang palatandaan ng napakasakit at mapait na karanasan? Of course not,” sabi ni Lorenzana.

Sayang aniya ang lupa kung hindi isasailalim sa rehabilitasyon ang lugar na nasira, gayong nakapalaki nito, halos kalahating kilometro kuwadrado.

Dagdag niya, posibleng isang bloke ang gawing memorial pero ito’y depende sa pasya ng mga residente.

“Isa pa halos kalahating  kilometro kuwadrado ang nasira. Sayang ang lupa. Siguro ang mangyayari, isang bloke ang ititirang memorial kung may pahintulot ang mga residente,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

Mula sa Marawi City
PNP-SAF MAINIT
NA SINALUBONG
SA CAMP BAGONG DIWA

NAGMARTSA ang 300 miyembro ng elite group ng Phi-lippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), na mula sa pakikipagbakbakan sa Marawi City, mula sa Gen. Santos Avenue patungo sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, at sinalubong ng kanilang mga kasamahan at mga estudyante bilang pagbibigay-pugay sa kanilang kabayanihan. (ERIC JAYSON DREW)

MAINIT na sinalubong ang pagdating sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ng 300 miyembro ng elite group ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) mula sa pakikipagbakbakan sa grupo ng mga teroristang Maute sa Marawi City.

Bandang 2:00 pm nang salubungin ng kanilang mga kasamahan at mga estudyante ang mga bayaning sundalo na lumaban sa mga tero-ristang Maute.

Bilang solidarity march at pagbibigay-pugay sa kanilang kaba-yanihan, nagmartsa sa kahabaan ng Gen. Santos Avenue hanggang sa gate ng Camp Bagong Diwa ang nasabing PNP-SAF troopers.

Naging masaya ang pagsalubong ng kanilang mga kasamahan, na nilahukan din ng iba’t ibang sektor partikular ng mga estudyante sa Taguig City.

(JAJA GARCIA)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *