
MAINIT na sinalubong ang pagdating sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ng 300 miyembro ng elite group ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) mula sa pakikipagbakbakan sa grupo ng mga teroristang Maute sa Marawi City.
Bandang 2:00 pm nang salubungin ng kanilang mga kasamahan at mga estudyante ang mga bayaning sundalo na lumaban sa mga tero-ristang Maute.
Bilang solidarity march at pagbibigay-pugay sa kanilang kaba-yanihan, nagmartsa sa kahabaan ng Gen. Santos Avenue hanggang sa gate ng Camp Bagong Diwa ang nasabing PNP-SAF troopers.
Naging masaya ang pagsalubong ng kanilang mga kasamahan, na nilahukan din ng iba’t ibang sektor partikular ng mga estudyante sa Taguig City.
(JAJA GARCIA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com