NANINIWALA ang top spook ng bansa na dapat mapalawig ang martial law sa Mindanao para makamit ang limang pangunahing layunin ng administrasyong Duterte.
Ngunit sa kasalukuyan, ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., ang umiiral na batas militar sa Mindanao hanggang 31 Disyembre 2017 ay sapat na bilang tuntungan sa pagpapatupad ng mga adhikain ng administrasyon.
“Yes. But for now, Dec 31 already gives us necessary leeway/ maneuver room. All for the good of Mindanao and Philippines,” ani Esperon kung irerekomenda niyang palawigin ang martial law sa Mindanao.
Giit ni Esperon, ang mga ipupursige ng administrasyong Duterte ay peace process sa mga rebeldeng komunista at Moro, paglaban sa terorismo, kampanya kontra-illegal drugs, reporma sa pamamahala at pagpapalit ng sistema ng gobyerno sa federal.
“We want to achieve those five: peace process, anti-terrorism, anti-drugs, reforms and new form of government,” aniya.
Sa kabila nang pagtuldok sa AFP combat operations sa Marawi City ay posible pa rin aniya na may mga elementong itutuloy ang pagsusulong ng violent extremism sa bansa na kaisipan ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) gaya ng Abu Sayyaf Group (ASG) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).
(ROSE NOVENARIO)