Saturday , November 16 2024
road traffic accident

Kagawad patay, 4 sugatan sa nasunog na kotse (Bumangga sa poste ng Meralco)

PATAY ang isang barangay kagawad habang sugatan ang apat niyang mga kaanak nang masunog ang sinasakyan nilang kotse makaraan bumangga sa poste ng Meralco sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Namatay noon din sanhi ng matinding pinsala sa katawan ang biktimang si  Quirino Bulusan, Jr., 54, residente at kagawad sa Brgy. 299, Sta. Cruz, Maynila.

Habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang driver na si Diophel Morales, 21, estudyante; mga pasaherong sina Ricky Milan, 13; Diovani Ibañez, at Ron-Ron Cainap, magkakamag-anak at residente sa Sta. Cruz, Maynila.

Base sa ulat ng Pasay City Traffic Bureau, dakong 4:00 am nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Atang dela Rama St., at Diokno Boulevard, sa harap ng The Amazing Show Building, ng naturang lungsod.

Habang lulan ang mga biktima sa grey Honda Civic, may plakang MHC 889, at binabaybay ang naturang lugar bigla itong bumangga  sa isang poste ng Meralco.

Bunsod nang pagkakabangga, nag-spark ang poste at sumabog naging dahilan upang masunog ang kotse.
Agad nakalabas ang apat biktima habang nakulong sa loob si Bulusan. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *