Saturday , November 16 2024

Pondo para sa terror orgs nakalusot sa gov’t (Padilla aminado)

AMINADO si Padilla, hindi natututukan nang husto ng pamahalaan ang pagpasok ng pondo para sa mga terrorist groups sa bansa.

Kailangan aniyang magkaroon ng isang sistema upang masusugan ang pagpapalakas ng kampanya kontra-terorismo dahil may mga iba’t ibang paraang ginagawa upang makalusot sa awtoridad.

“There’s so many numerous ways. The innocent donation for a certain project perhaps can be a means. That’s why there needs to be a clear determination on the source and the beneficiary of all these donations, particularly in certain areas na… which can arouse suspicion,” dagdag niya.

“Kaya kinakailangan may mga ibang panukala o mga batas na kinakailangang idagdag o palakasin ‘yung mga
existing na batas upang makapagsagawa ng pagbabantay,” aniya. (ROSE NOVENARIO)

KALBARYO
VS TERORISMO
‘DI PA TAPOS
— AFP

HINDI pa tapos ang kalbaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa terorismo makaraan mapatay ang tatlong matataas na leader ng ISIS-inspired Maute terrorist group at liberasyon ng Marawi City.

Kinompirma ni AFP spokesperson Major Gen. Restituto Padilla, pinaghahanap ng tropa ng pamahalaan ang prominenteng Malaysian bomb-maker na si Amin Baco alyas Commander Baco, miyembro ng Darul Islam terrorist group sa Malaysia.

Si Baco ay isa sa 40 foreign terrorists na nasa Mindanao, 20 Indonesian, anim ang Malaysians at 14 ang Yemenis at Saudi Arabians.

Kamakalawa, na-patay ng militar si Dr. Mahmoud Ahmad, Malaysian financier ng Maute group, at noong Lunes ay napaslang ng military snipers sina ISIS Southeast Asian emir at Abu Sayyaf (ASG) leader Isnilon Hapilon, at Maute group leader Omar Maute.

“May isang prominenteng commander diyan, si Commander Baco kung hindi ako nagkakamali, na atin pang hinahanap at maaaring naging parte ng ilang namatay noong mga naunang pagkakataon. So ‘yan po ‘yung mga bagay na kasama sa ating mga nais maberipika sa mga ginagawa nating hakbang sa loob ng Marawi. Ang mga grupong pinamunuan niya o ‘yung grupong pinamumunuan niya ay isa sa mga nagpahayag ng kanilang allegiance sa Daesh noong araw at naging kasanib sa puwersa nitong mga Maute brothers pati ng grupo ni Hapilon, ‘yung ASG component na nagpunta riyan,” ani Padilla.

Batay sa ulat, si Baco ay asawa ng isang prominenteng Abu Sayyaf family sa Sulu na pinamumunuan ni Sawadjaan, pinuno ng ASG faction Tanum group.

Dumating siya sa bansa noong 2003 at naging katuwang ng Jemaah Islamiyah leaders na sina Umar Patek at Sulkifli bin Hir alyas Marwan sa pagre-recruit ng Indonesian at Malaysian jihadists para magsanay sa MILF camp sa Maguindanao.

Ani Padilla, sa apat local terrorist groups sa Mindanao, ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang may kakayahan na maghasik ng karahasan.

Ang tatlong ibang terror groups ay Maute, ASG at Ansar Khalifa Philippines (AKP).

(ROSE NEVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *