Saturday , November 16 2024

63-anyos kelot, 1 pa arestado sa Marawi rehab swindling (Pekeng empleyado ng DILG)

ARESTADO ang dalawang lalaking nagpanggap na kawani ng Department of Interior and Local Government (DILG) at nanghihingi ng donasyon sa local officials para sa rehabilitasyon ng Marawi City, sa Makati City nitong Huwebes.

Nakapiit sa detention cell ng Makati City Police ang mga suspek na sina Ricardo Simbulan, 63, at Mitus Sampayan, 39, ng Brgy. Pembo, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Makati City Police chief, Sr. Supt. Jerry Umayao nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ni DILG OIC Catalino Cuy, na ginagamit ang kanyang opisina sa panghihingi ng mga suspek ng donasyon sa local officials.

Bunsod nito, nagkasa ang mga awtoridad ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek dakong 2:00 pm habang kinukuha mula sa Palawan Pawnshop sa JP Rizal Extension, Brgy. Comembo ng lungsod, ang donasyon na kanilang hinihingi.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong swindling at extortion.

ni JAJA GARCIA

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *