‘NAGSASAGAWA’ ng rebelyon ang tatlong militanteng grupo laban sa gobyerno dahil “legal fronts” sila ng Communist Party of the Philippines (CPP).
“It’s one big conspiracy. All of them are right now committing rebellion,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa Pili, Camarines Sur kahapon.
Tinukoy ng Pangulo ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), human rights group na Karapatan, at Kilusang Mayo Uno (KMU) bilang legal fronts ng CPP.
Nagbabala si Duterte sa mga tsuper na hindi susunod sa jeepney phase-out program si-mula sa Enero 2018 na i-pahahatak niya ang mga lumang jeep kapag ipi-nilit ibiyahe sa mga lansangan.
“Kapag may sinabi ang gobyerno, sumunod kayo. Guguyurin ko talaga kayo,” dagdag niya.
(ROSE NOVENARIO)