Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
mindanao

100+ terorista nagkalat pa sa Mindanao

INAMIN ni AFP Spokesman Major Gen. Restituto Padilla, mahigit 100 pang terorista ang pinaghahanap ng mga awtoridad na kasama sa Arrest Order na inilabas ni Lorenzana makaraan i-deklara ang martial law.

“At doon sa mga arrest order na nailabas, dalawa po ito sa mahigit 300, naaresto po natin ang mahigit 100 at na-filan (file) ng kaso at ngayon ongoing ang kanilang mga kaso for six — more than 60 individuals na nasa korte ngayon,” ani Padilla.

“Iyong mga kaso na ‘yan, may iba po riyan sangkot sa droga, hindi lang sa rebellion. Multiple cases na po ‘yon,” sabi niya.

Nananatili aniya ang suporta ng AFP sa kampanya kontra-droga ng gobyerno at nakahandang umayuda sa Philippne Drug Enforcement Agency (PDEA) sakaling kai-langanin ang kanilang tulong.

Sisikapin aniya ng militar na masugpo ang narco-terrorism sa Mindanao sa pagtatapos ng martial law sa katapusan ng 2017.

“Mahirap po magsalita nang patapos pero sisikapin po natin na ma-meet ‘yung deadline na ‘yan upang ma-address una ‘yung network ng terror lalo na nakaugnay dito sa grupong ito na nandiyan sa Marawi at pangalawa ‘yung  problema sa narco-terrorism,” giit niya.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …