Tuesday , December 24 2024

Hapilon, Maute patay sa bakbakan (Digong nagalak)

LUBOS ang kagalakan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagkamatay ng dalawang lider-terorista sa kamay ng militar sa Marawi City, kahapon ng madaling-araw.

Ito ang sinabi ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Año sa tagumpay ng pamahalaan sa pagpatay sa dalawang lider-terorista na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Aniya, 17 hostage ng mga terorista ang nailigtas ng militar, kasama ang isang dalawang-buwan gulang sanggol na isinilang ng kanyang ina habang bihag ng Maute terrorists.

ni ROSE NOVENARIO

PALASYO NAG-COPY
PASTE NG STATEMENT

NGUNIT imbes magbigay ng mapagbunying pahayag kaugnay sa tagumpay ng pamahalaan kontra-terorismo, mas pinili ng Palasyo na i-copy paste ang kalatas ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Kung ano ang nakalagay sa ipinalabas na press statement ng Department of National Defense (DND) para sa kompirmasyon ng military operation laban sa dalawang Maute/ISIS leaders, parehong-pareho ang inilabas na press statement sa Malacañang Press Corps ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Nabuking ang copy paste dahil maging ang attribution  ng statement ay hindi binago ng PCOO.

Imbes from presidential spokesman Ernesto Abella, ang nakalagay ay from Presidential Spokesman Ernie Padilla, na ang tinutukoy na Ernie ay si Abella at ang Padilla ay si AFP Spokesman Maj Gen. Restituto Padilla.

Sa loob nang mahigit isang taon sa puwesto ng mga taga-PCOO, ilang beses na napapansing nagka-copy paste ng mga pahayag ng ibang pinuno ng ahensiya ng gobyerno kapag kailangan ng kanilang reaksiyon. (ROSE NOVENARIO)

Sa ulo nina Isnilon at Omar
P265-M REWARD NAPUNTA
SA LADY HOSTAGE

AABOT sa P265-milyon ang makukubra ng impormante na nagkompirma ng presensiya nina ISIS Southeast Asian emir Isnilon Hapilon at Maute terror group leader Omar Maute sa isang gusali sa Marawi City.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa press conference sa Marawi City kahapon, isang babaeng hostage na nailigtas ng militar ang nagkompirmang nasa isang gusali sa lungsod ang terror leaders.

Ani Lorenzana, nakausap ng babaeng bihag si Isnilon bago siya nailigtas ng tropa ng pamahalaan kamakailan.

Matatandaan, naglaan ang US State Department ng $5-M bounty para sa ulo ni Hapilon habang si Pangulong Rodrigo Duterte ay nangako na magbibigay ng P10-M para sa impormasyon na magtuturo kay Hapilon, at tig-limang milyon para sa ulo ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute.

Si Hapilon ay isa sa mga akusadong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na responsable sa pagbihag sa 20 sibilyan – 17 Filipino at tatlong Amerikano – sa Dos Palmas Resort sa Palawan  noong 2001.

Pinugutan ng ASG ang American hostage na si Guillermo Sobero.

Nag-ugat ang krisis sa Marawi City nang tangkain ng tropa ng pamahalaan na isilbi ang warrant of arrest laban kay Hapilon sa Amai Pakpak Hospital noong 23 Mayo. (ROSE NOVENARIO)

Sa pagpatay
sa 2 lider-terorista
MILITAR UMANI
NG PAPURI

UMANI ng papuri mula sa mga senador ang pagkakapatay ng militar sa mga lider ng Maute-ISIS group sa Marawi City, na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.

Ayon kina senators Antonio Trillanes, at Francis “Kiko” Pangilinan, nararapat bigyan ng pagkilala ang sandatahang lakas dahil sa pagkakatunton at pagkakapatay sa mga pinuno ng teroristang grupo.

Ngunit hindi anila dapat magtapos dito ang pagtutok ng gobyerno sa Marawi, dahil mahalaga rin maalalayan ang lungsod at mga residente para sa muling pagbangon.

“I commend the AFP for neutralizing the Maute leaders, Isnilon Hapilon and Omar Maute. Hopefully, this also signifies the end of the major hostilities of the siege. This decisive victory is a fitting honor to our soldiers, both fallen and living, who bravely fought in this campaign. Let us now go all out in the rebuilding of Marawi City to start the healing process for all those affected by this unfortunate war,” pahayag ni Trillanes.

Habang para kay Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito, malaking aral ang dala ng Marawi crisis para sa lahat, lalo sa pamahalaan upang paigtingin pa ang kampanya laban sa terorismo.

“Let us start rebuilding a better Marawi. Let us also learn from the lessons of this tragedy by strengthening our intelligence and counter terrorism initiatives,” wika ni Ejercito.

Samantala, positibo ang pananaw ni Sen. Sonny Angara na sa lalong madaling panahon ay maibabalik ang kaayusan sa Marawi at makapa-mumuhay na uli nang payapa ang ating mga kababayan. (CYNTHIA MARTIN)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *